^

PSN Showbiz

Dyowa ni Will Smith mapapanood sa drama series

-

MANILA, Philippines - Balik-telebisyon ang aktres na si Jada Pinkett-Smith — ang asawa ni Will Smith — sa pinakabagong drama series ng Q Channel 11, ang Hawthorne.

Bida si Smith sa series bilang Christina Hawthorne – ang ma-prinsipyo at maawaing chief nursing officer ng Richmond Trinity Hospital. Kamamatay lang ng kanyang asawa kung kaya’t pilit niyang binabalanse ang dalawang pinaka-importanteng aspeto ng kanyang buhay – ang kanyang career at pamilya.

Sa Richmond Trinity, si Christina ang tumatayong boses at nagpapaalala kung paano dapat pahalagahan ang kanilang mga pasyente.

Pagdating sa bahay, ina si Christina sa matalino ngunit may katigasan ang ulo na teenager na si Camille (Hannah Hodson). Mas malapit si Camille sa kanyang ama, kung kaya’t mahirap para rito ang pagkawala ng ama. Kinakailangan ding pakisamahan ni Christina ang mother-in-law niya na may dominant personality.

Kasama rin sa Hawthorne sina Michael Vartan bilang Dr. Tom Wakefield, David Julian Hirsh bilang Ray, Suleka Matthew bilang Bobbie, at Christina Moore bilang Candy.

Abangan kung paano gampanan ni Smith ang role niya bilang Christina – isang leader, advocate, kaibigan, at ina – sa Hawthorne, tuwing Martes, simula ngayong Jan. 5, 8:30 PM, sa Q Channel 11.

vuukle comment

CAMILLE

CHRISTINA

CHRISTINA HAWTHORNE

CHRISTINA MOORE

DAVID JULIAN HIRSH

DR. TOM WAKEFIELD

HANNAH HODSON

JADA PINKETT-SMITH

MICHAEL VARTAN

Q CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with