^

PSN Showbiz

'Di na mabanggit ang pangalan, Cristine kinalimutan na si Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mas pelikula pala ng mag-amang Gabby at KC Concepcion kesa pelikula nina KC at Jericho Rosales ang movie project ng Star Cinema to be directed by Maryo J. delos Reyes. Light drama on father-daughter relationship ang tema ng pe­likula at hindi love story ng mag-dyowa, pero malaki at importante rin ang magiging role siyem­pre ni Jericho.

This January na ang simula ng shooting ng third movie ni KC, kaya malapit na itong magka-title. Tu­wing magtatanong kasi kami ng title, laging walang maisagot ang tinatanong namin dahil wala pang mapili ang mga nasa likod ng project.

This month din ang release ng second album ni KC under Sony Music at wala pa ring final title ang album at pinipili pa ang mas maganda at mas babagay na title para rito.

* * *

Sinunod ni Cristine Reyes ang text request ni Dennis Trillo na ’wag nang banggitin ang name ng aktor sa mga interview sa kanya. Kaya sa in­ter­view sa dalaga sa victory party ng Ang Darling Kong Aswang, bukod sa ayaw na nitong pag-usa­pan ang ex, ni minsan, hindi nito binanggit ang name ng aktor.

Kundi “niya” ay “siya” ang tawag nito kay Dennis para everybody happy at wala na sa isip at puso niya ang aktor na matutuwa ’pag nalamang kina­limutan na siya ni Cristine.

Tinanong si Cristine kung magtataas siya ng talent fee after niyang mapasama sa Ang Darling Kong As­wang  na certified box-office, pero she’s not the right person to answer at itinuro ang ma­nager na si Vero­nique del Rosario. Ang manager na aniya ang bahala pagdating sa tf niya, pero sa Viva Films ang next movie ni Cristine at may kontrata siya rito. Paano ’yun?

Kasama si Cristine sa remake ng Working Girls, na mga bida rin sina Ruffa Gutierrez, Jennylyn Mercado, Bianca King, at Iza Calzado.

* * *

Non-elimination night last Sunday sa StarStruck V, kaya masaya ang Final 10 survivors na walang naalis sa kanila. Pero nasa danger zone silang lahat at sa ini-reveal na Factor 3 ng contest na magti-take effect next week, bibigyan ng power ang mga survivors na iboto ang kapwa survivor na gusto nilang maalis.

Sa last Sunday’s telecast, ipinakita ng survivors ang individual talents nila. May kumanta, sumayaw, nag-play ng drums, at naggitara, pero sina Diva Mon­telaba, Enzo Pine­da, Ian Batherson, at Rocco Nacino lang ang nakakuha ng mga posi­tive comments from the council, the rest ay may kulang.

Abangan at baka sa Sunday na ang double at posible pang triple elimi­nation, kaya tulungan sana ng kanilang suppor­ters ang favorite survivor nila para manalo.                                                                    

* * *

Sa Kaya Kong Abutin Ang Langit, galit si Jerome (Victor Aliwalas) nang makitang nag-uusap sina Clarissa (Iza Calzado) at Daryl (Wendell Ramos) at nagsuspetsang mahal pa ng asawa si Daryl. Muli namang dinala ni Monina (Pinky Amador) si Natalie kay Clarissa na nagtapat na may anak siyang babae na nawawala.

Nalaman ni Jerome na binenta na ni Ralph (Ricardo Cepeda) ang shares niya kay Victoria Manalo (Ehra Madrigal), kaya kinompronta niya ito. Nakilala ni Daryl si Victoria at sinimulan nitong akitin ang dalaga. Madidiskubre ni Clarissa na buntis uli siya.

vuukle comment

ANG DARLING KONG AS

ANG DARLING KONG ASWANG

BIANCA KING

CLARISSA

CRISTINE

CRISTINE REYES

DARYL

IZA CALZADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with