Ricky Reyes nagbigay ng inspirasyon
MANILA, Philippines - Si Ricky Reyes ay nabigyan kamakailan ng standing ovation nang maimbitahang magsalita sa harap ng may 900 partisipante para sa National Convention of the Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) na ginanap kamakailan sa SMX of Mall of Asia. Nagsalita siya tungkol sa kanyang negosyo na Ricky Reyes Hair Salon for Men and Women na ang topic ay Starting Small, Thinking Big. Kasama ng hairdresser-entrepreneur na kilala sa tawag na Mother Ricky sina Arceli Rodriguez, session chairman; Felix Farala, PICPA junior director; Nenita Malbas, PICPA senior director; at Liza Glodoviza, host.
- Latest