^

PSN Showbiz

Regine na-shock sa pasasalamat ni Ogie

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May mga kinilig nang pasalamatan ni Ogie Al­casid si Regine Velasquez sa SOP. Ang say niya kay Regine, “Thank you for your love.”

Hindi kaagad nakapag-react si Regine dahil hindi nito ini-expect na magsasalita nang ganoon ang kan­yang dyowa.

 Year 2010. Noon ko pa naririnig na type na nina Regine at Ogie na magkaroon ng sariling anak at perfect ang 2010 sa kanilang plano. Maliban sa Year of the Tiger, parang ang ganda-gandang pakinggan sa tenga ng 2010.

* * *

Hindi ko sineryoso ang hula ni Arman Cuban na ma­titigbak ang show na katapat ng Startalk.

Bakit kamo? Hindi niya kasi nilinaw ang show at TV station na kanyang tinutukoy. Malay ko ba kung show ng TV5, IBC 13, CS 9, ABS-CBN, NBN4, QTV 11, Net25, at ANC ang sinasabi ni Arman na katapat ng Startalk at malapit nang mag-goodbye sa ere?

Basta ang hula ko, ang Startalk ang talk show na mananatili na showbiz authority. ’Yun lang!

* * *

Kapuso na si Joross Gamboa at ang pag-apir niya kahapon sa SOP ang pruweba.

Nahalata ko na naiilang pa si Joross sa pagtuntong niya sa GMA 7 na hindi kataka-taka dahil nanggaling siya sa ABS-CBN.

Naninibago pa si Joross sa bagong mundo na pinasok niya pero sa una lang ’yan dahil naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga Kapuso stars.

* * *

Nanalo na ng mga awards at kumita na sa takilya ang Ang Panday pero masipag pa rin sina Phillip Salvador at Sen. Bong Revilla, Jr. sa pag-iikot sa mga TV shows para pasalamatan ang lahat ng mga tumangkilik sa kanilang blockbuster movie.

Umapir ang dalawa sa Startalk noong Sabado at kahapon, nag-guest naman sila sa SOP. Nagkaroon ng victory celebration sa SOP ang cast ng Ang Panday.

Pinag-uusapan na ang sequel ng hit movie ni Bong. Hindi pa mauumpisahan ang shooting ng sequel dahil tulad nang sinabi ko noong isang araw, magiging busy muna sila ni Ipe sa pangangampanya. Sasamahan ni Ipe si Bong sa mga probinsya na pupuntahan nito. That’s what friends are for ’di ba?

* * *

Thank you kay Al Mercado ng San Leandro, California na nag-effort na gumawa ng tula para sa akin. Touched ako ha? Sa totoo lang, naaliw ako sa tula ni Al at siguro naman, hindi kalabisan kung ibabahagi ko sa inyo ang kanyang untitled poem:

Lolit kulit na makulit

Ay marami raw sabit,

balikat ko lang ay ikinibit

’pagkat sila lang ay naiinggit.

 

Oras mo’y ginugugol

para lamang maihabol

sariwang balita for us all

magpasaya ang iyong goal.

 

Larawan ka ng katapangan

hindi duwag sa labanan,

prinsipyong makatao lang

sa pamamahayag makatarungan.

 

Isama mo ako sa listahan

ng tagapagtanggol mo’t kaibigan,

malayo man ako sa ating bayan

Pinoy pa rin ako sa puso’t isipan.

 

Taon 2010, ang aking bati sa iyo...

maligaya, masagana ang dating ng datung sa iyo

at maging malusog din naman ang pangangatawan mo.

At maraming salamat din kung mabasa mo ito.

AL MERCADO

ANG PANDAY

ARMAN CUBAN

BONG REVILLA

IPE

JOROSS

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with