^

PSN Showbiz

60th anniversary ng GMA Network, sisimulan ngayong Linggo

-

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo sa SOP, isang makasaysayang television party ang magsisilbing kick off para sa 60th anniversary cele­bra­tion ng GMA Network.

Ang 60th anniversary special na may temang Touching Hearts, Enriching Lives, ay magpapakita ng mga bigating miles­tone ng GMA sa industriya.

Dito babalikan ang mga patok na programa ng GMA na hu­ma­­taw sa ere, kabilang ang mga dating sikat na musical-variety program tulad ng GMA Supershow at Lunch Date.

Magsisimula ang party kasama ang mga resident singer ng SOP na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, at Kyla na pawang mangunguna sa isang Fashion Fore­cast upang salubungin ang solid line-up ng GMA shows ngayong Bagong Taon.

Makikisaya naman sa party ang mga most bankable leading man – Marvin Agustin, Mark Anthony Fernandez, Aljur Abre­nica, at Mark Herras kasama ang bagong Kapuso Heart­throb na si Joross Gamboa.

Siyempre, ang kanilang female counterparts – ilan sa mga top leading lady ng GMA na sina Iza Calsado, Rhian Ramos, Katrina Halili, Glaiza de Castro at Kris Bernal ay magpapakilig din sa celebration. Ang mga SOP Girls naman ay maghahatid ng mga classic hit ni King of Rock ‘N Roll Elvis Presley.

Samantala, sina Ryza Cenon, Chynna Ortaleza, at Yassi ay iilan lang sa hahataw sa isang anime-inspired dance number.

Si R&B Princess Kyla naman, may mini-concert at birthday bash, habang ang birthday boy na si Bayani Agbayani, may biyahe pabalik sa Lunch Date kasama sina Buboy Garovillo at Randy Santiago.

Tuluy-tuloy ang all-out party at 60 sa pamamagitan ng isa na namang A1 performance mula sa sikat na trio nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia – na kilala ring La Diva, bukod pa sa sizzling number mula sa Sexbomb dancers.

At ang top grosser sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na Ang Panday na pinangungunahan ni MMFF Best Actor Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ay magdiriwang ng multiple wins kasama sina MMFF Best Supporting Actor Phillip Salvador, MMFF Best Child Performer Buboy Villar, at Direk Mac Alejandre.

AICELLE SANTOS

ALJUR ABRE

ANG PANDAY

B PRINCESS KYLA

BAGONG TAON

BAYANI AGBAYANI

BEST ACTOR SENATOR

LUNCH DATE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with