Panday 'di pa napa-pirate
Sinubukan naming mag-ikut-ikot sa ilang DVD stall sa bangketa ng Pasay City, and true to the reports that have reached Senator Bong Revilla ay wala pang napipiratang kopya ng kanyang Ang Panday.
Dahil nga rito kung kaya’t all-praises ang senator-actor sa performance ng kanyang not-so-immediate successor sa Optical Media Board (OMB) na si Chair Ronnie Ricketts.
Katuwiran ni Bong, and this goes for all producers, isipin sana ng mga film pirates na ito ang malaking pinaghirapan nilang mga lehitimong prodyuser na gumagastos nang malaki, only to see their products replicated and sold for fast bucks nang walang puhunan?
Oo nga naman.
* * *
Para sa mga taong nagmamahal kay Dolphy, idinaan man niya sa komedya ang kanyang acceptance speech nang gawaran siya ng Lifetime Achievement Award nu’ng nakaraang MMFF awards night ay tiyak nag-knock on wood sila.
Ani Tito Dolphy, baka ‘yun na raw ang huling parangal na matatanggap niya at huling pagkakataong makaakyat ng entablado. Sinahugan ng pagpapatawa, pero marami, myself included, ang nananalanging bumilang pa sana ng maraming taon ang nag-iisang Comedy King.
* * *
Kung Star of Bethlehem ang naging gabay ng Tatlong Haring sina Melchor, Gaspar, at Baltazar patungo sa kinaroroonan ni baby Jesus, ang umaalingawngaw namang boses ni Lolit Solis ang nagsilbing compass ng TAPE, Inc. executive na si Malou Choa-Fagar para matunton ang pinagdarausan ng post-Christmas treat ni Senator Jinggoy Estrada nitong Miyerkules.
Itsura ng tambuli ang malakas-pa-sa-paputok na tili ni ‘Nay Lolit para makibahagi si Tita Malou, kasama si Julia Clarete, in probably the biggest (and most rewarding) Yuletide party ever given to the press.
Huwag na ang mga freebies na “pakana” ng kaibigang Joe Barrameda, the mere fact na nasa okasyong ‘yon si dating Pangulong Erap Estrada was an evening like no other. As usual, inawit ni Erap ang kanyang signature song that sounded like ni-lip synch lang niya.
Pero all ears ang lahat when the president-wannabe-again delivered his impromptu speech. Thrice binanggit ng ama ni Jinggoy ang kanyang pagkakakulong on charges he was not guilty of. Mahaba man ang kanyang talumpati, welcome news para sa entertainment media ang nananatiling suporta pa rin ni Erap para sa industriya.
Ang kagandahan sa okasyong ‘yon, neither the father nor the son outright told the press na iboto sila sa kani-kanilang puwestong tinatakbuhan.
After all, it was a party. Hindi ‘yon isang pangangampanya in its truest sense.
- Latest