^

PSN Showbiz

Yumabang dahil akala ay kikita, flop na pelikula ng actor ipinagbunyi ng mga kaibigan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Bagong taon at may bagong show ang actor na ito at sana natuto na siyang ‘wag lalaki ang ulo tuwing may bago siyang project dahil hindi niya alam kung magki-klik ang kanyang project. Yumabang ang actor nang gumawa ng pelikula at akala’y sikat na, kaya dinedma ang mga kaibigan sa network kung saan siya kabilang.

Nang mag-flop ang pelikula ng actor, sa halip na maki-simpatiya sa kanya, natuwa pa ang mga kaibigan. Kulang na lang magpa-party ang mga ito para i-celebrate ang pagpa-flop ng movie ng actor.

May bago at malaking project na naman ang actor at sana, ‘wag muna siyang mag-inarteng big star dahil hindi pa siya nakakasigurong kakagatin ng tao ang pagbibidahang project. Alalay lang siya at saka na umastang sikat ‘pag may napatunayan na siya.

* * *

Natawa naman kami sa nabasa namin sa Twitter ni Bianca King after the Metro Manila Film Festival Awards Night. Kinongratulayt nito ang Wapakman kahit walang nakuhang awards dahil nanalo sa pagiging controversial. Sabi ni Bianca: “Congrats sa Wapakman for winning…the best in controversy.”

Sana lang, hindi magalit kay Bianca ang producer na si Wilson Tieng at mga kasama sa pelikula lalo na si Krista Ranillo. Pero nagsasabi lang ng totoo si Bianca dahil most controversial movie nga naman ang Wapakman, kung saan siya kasali.

Samantala, kasama sa cast ng The Last Prince si Bianca at tiyak na mauusisa ito sa break-up nila ni Champ, ang lead vocalist ng Hale. Ano kaya ang nangyari’t maagang winakasan ng dalawa ang kanilang relasyon?

* * *

Nagpakita ng husay sa pagkanta si Sen. Jinggoy Estrada sa ibinigay na post-Christmas party for the entertainment press nang kantahin ang You Are na kun­di kami nagkakamali’y version ni Frank Sinatra at hindi version ni Michael Jackson.

Panay ang pa-thank you ni Sen. Jinggoy sa mga bumabati sa kanya sa pag­na-number one niya sa survey ng mga senatoriable. Pero kailangan pa rin niyang mag-effort na mangampanya para masiguradong muli siyang mananalo sa election.

Dahil sa kabisihan ni Sen. Jinggoy, hindi na namin siya natanong kung totoong gagawa siya ng pelikula this year at si Eugene Domingo raw ang tina-target niyang makasama. Sana matuloy ang nasabing project na first time nilang pagsasamahan ni Eugene. 

* * *

Iwe-welcome si Joross Gamboa sa SOP Fully Charged mamaya at bukod sa song number nila nina Dennis Trillo, Aljur Abrenica, Marvin Agustin, at Mark Anthony Fernandez, may dance number pa siya kasama si Mark Herras.

Masaya si Joross dahil nataong kick-off ng 60th anniversary special ng GMA Network ang first appearance niya sa SOP kaya kasama na rin siya sa isang malaking selebrasyon. 

* * *

Talent night sa StarStruck V this Sunday at mag­pa­pakitang gilas ang Final 10 contestants sa kani-kanyang individual talent. Ire-reveal din ang Factor 3 ng reality-based artista search.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BIANCA

BIANCA KING

DENNIS TRILLO

EUGENE DOMINGO

FRANK SINATRA

FULLY CHARGED

SIYA

WAPAKMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with