Jake walang maaming relasyon
Isa sa tuwang-tuwa sa pagiging box-office hit ng Carlo J. Caparas Ang Panday ay si Ms. Susan Roces dahil nakaka-relate raw siya dahil involved siya noong buhay pa ang asawang si Fernando Poe, Jr., ‘pag nagsu-shoot ito ng Ang Panday.
Naalala rin ni Ms. Susan na naging part siya ng Mano Po at natutuwa siyang may filmfest entry si Dolphy this year. Sana raw, magtuluy-tuloy na every year ang magagandang pelikulang kasali sa MMFF para sa kasiyahan ng moviegoers.
Samantala, malapit nang magtapos ang Sana Ngayong Pasko at malulungkot ang sumusubaybay nito sa mangyayari kay Remedios (karakter ni Ms. Susan sa series). Hindi pa niya alam ang next project niya, basta kung may darating na offer, gusto niyang maganda ang material at bagay sa edad niya ang role na gagampanan.
* * *
Birthday ni Jake Cuenca noong December 30, 2009, pero sa halip ng isang bonggang party, nagsimba ang actor para magpasalamat sa maraming blessings na dumating at ibinigay sa kanya sa nakaraang taon.
Ang wish nito, magpatuloy ang magandang takbo ng kanyang career this 2010 at pasalamat siya sa mga naka-line-up niyang projects sa ABS-CBN sa first quarter ng taon gaya ng Agimat at Rubi kasama si Angelica Panganiban at pagbabalik niya sa primetime block.
Hindi nakaiwas si Jake na usisain ng kanyang love life, pero dismayado ang press dahil wala itong inamin sa nababalitang relasyon nila ni Melissa Ricks.
Wala raw silang dapat aminin ng aktres dahil friends lang sila, pero inaming may konting kurot sa puso niya ang pagkaka-link nito kay Jolo Revilla. Ano ‘yun? Ang gulo ni Jake ha!
Ikinatuwa rin ni Jake na friends na uli sila ni Roxanne Guinoo and in fact, puwede na uli silang magkatrabaho. Happy daw siya na masaya ito sa piling ng boyfriend na kilala niya.
Pati si Cristine Reyes na naka-isyu niya dati ay kaibigan na niya. Sabi ni Jake: “Iba na ang friendship namin, close na kami. Sobra kong na-appreciate ang offer niyang samahan ako sa birthday ko kung wala akong gagawin. Puwede raw akong sumama sa kanila ng mga kaibigan niya, pero may iba na akong plano.”
Nanghihinayang si Jake na hindi natuloy ang Nieves, kung saan makakasama niya sana sina Marian Rivera at Carla Abellana, kaya wish nito, matuloy pa rin ang project.
* * *
Solong producer pala ng Wapakman si Wilson Tieng at hindi nito kasosyo si Manny Pacquiao, ang bida ng pelikula. Tanggap daw ni Mr.Tieng na hindi tinangkilik at pinanood ang pelikula ni Manny sa Metro Manila Film Festival at wala siyang sinisisi sa mga nangyari.
Nilinaw din ng kampo ni Wilson na hindi na-pull out sa mga sinehan ang Wapakman gaya nang nabalita. May ilang theaters sa SM Malls ang hindi ipinalabas ang pelikula dahil hindi swak sa digital form ng movie ang projector ng mga sinehan sa SM.
Depensa pa ng malapit kay Mr. Tieng, puwedeng hindi na nito itinuloy ang pagsali sa MMFF dahil kinulang sa oras ang shooting at post-production ng movie. Pero ayaw nitong mabawasan uli ang entries sa filmfest.
* * *
Sa Ikaw Sana this Friday, itataboy ni Eliza (Jennylyn Mercado) si Michael (Mark Herras) na dismayado at pagod na sa kakaintindi sa asawa, kaya sa piling ng mag-inang Giselle (Camille Prats) at Georgie siya madalas mag-stay.
- Latest