^

PSN Showbiz

Basta pinilahan, Vic Sotto walang pakialam sa isyu na kopya ang Aswang.

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi lamang ang mga turistang foreigner ang pumunta sa Bicol para panoorin ang hinihintay na pagsabog ng Mayon Volcano.

May mga Filipino celebrity din na dumayo sa Bicol dahil ayaw nilang palampasin ang isang bihi­rang pangyayari.

Weird isipin pero may mga tao na kakaiba ang trip. Para sa kanila, kakaibang karanasan na makita na pumuputok o sumasabog ang isang natural na likha ng kalikasan.

* * *

Kausap ko sa telepono si Mother Lily Mon­teverde noong bisperas ng Bagong Taon. May-I-greet ko si Mother ng Happy New Year. Sure ako na happy si Mother Lily dahil ang laki-laki ng kinita ng Shake, Rattle & Roll Xl.

Magpatawag din kaya si Mother Lily ng victory party gaya nang ginawa ng OctoArts at M-Zet Films?

Number 3 sa box-office ang Shake, Rattle & Roll Xl. Tiyak na lalampas sa P50 million ang gross ng horror movie ng Regal Films dahil pini­pilahan ito. Baka nga ma-extend pa ang pe­likula, itsurang tapos na ang 2009 Metro Manila Film Festival.

* * *

Sa history ng Shake, Ratte & Roll, never pa itong nangulelat sa takilya. Subok na ang tatag sa takilya ng pelikula na pinasikat ng Regal Films kaya hindi puwedeng walang Shake, Rattle & Roll tuwing December.

Sure ako na pinaplano na ni Mother ang ika-labindalawang installment ng Shake, Rattle & Roll!

* * *

Masuwerte ang partnership ni Vic Sotto at ng direktor na si Tony Reyes kaya naman tiyak na si Tony uli ang direktor ng filmfest entry ni Boss­ing para sa 2010.

Dedma ang dalawa sa intriga na ginaya sa Twilight at New Moon ang Ang Darling Kong As­wang dahil mas importante sa kanila na pi­ni­la­han sa box-office ang filmfest movie nila.

Hindi nga pala nakalimutan ni Vic na pasa­la­­matan si Pia Guanio sa victory party ng As­wang. Naniniwala si Bossing na lucky charm niya si Pia kaya success sa takilya ang kanyang pe­likula. Remember, may special participation si Pia sa Aswang as herself. As herself daw o!

* * *

Thank you sa PSN reader na si Anne Santos dahil sa kanyang e-mail na ipinadala sa akin tungkol sa mga dapat na gawin ngayong 2010.

Type ko sanang i-publish ang magandang e-mail ni Anne pero hindi ako sigurado kung siya ang original author ng nabasa ko. Maingat ako sa paglalabas ng mga e-mail o sulat dahil hindi ko pinangarap na magkaroon ng legal problems dahil sa mga copyright issue.  

Thank you din kay Pareng Oca Atienza ng Amerika dahil marami raw ang tumawag sa kan­ya mula nang i-publish ko rito sa PSN ang pagpa­padala niya sa akin ng e-mail.

May readers din na nagpadala ng sulat para hu­mingi ng tulong kay Papa Joseph Estrada. Hu­mihingi ng financial assistance kay Papa Erap ang e-mail sender dahil malaki ang utang niya sa dalawang Bumbay. Hindi ako makaka­pa­ngako na makakatulong ako dahil nakalagay sa Bible na huwag maging responsible sa pagka­kautang ng ibang tao. Ipagdarasal ko na lang na magkaroon ng maagang solusyon ang prob­lema ng nag-email sa akin.

O siya, Happy New Year uli sa ating lahat!

ANG DARLING KONG AS

ANNE SANTOS

BAGONG TAON

DAHIL

HAPPY NEW YEAR

MOTHER LILY

REGAL FILMS

ROLL XL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with