Aljur walang pakialam kay Kris pag walang camera
Kung nakikita ko sila sa big screen, mapa-TV man o movie, akala ko sila na ang pinaka-sweet na pareha. Sabi ko epitome sila ng isang perfect loveteam, mapagmahal sa isa’t isa na parang wala nang ibang tao sa paligid, sila lamang.
Medyo, nagulat ako nang isang araw ay nakasabay ko sila sa lobby ng GMA Network. Naghihintay kami ng magdadala sa amin sa set ng Sana Ngayong Pasko. Silang dalawa naman ay hinihintay na makumpleto ang grupo nila na magsasagawa ng isang mall show. Nung paalis na sila ay nakita kong nauna nang lumabas ng building si Aljur at sumakay na ng van samantalang si Kris at ang alalay niya ay hindi magkandatuto sa pagbitbit ng kanilang maraming dalahin.
Ano ba yun?! Bakit parang walang pakialam na iniwan na lamang ng sukat ni Aljur ang babaeng pinaniniwalaan ng mga fans na “the apple of his eyes”? Kung may relasyon sila, dapat gentleman si Aljur to have waited for Kris at si Kris naman should have expected a gentlemanly act from her ka-loveteam. Tulungan man lamang nito siya sa kanyang gamit o kung ayaw man nitong magbuhat ay hintayin siya o alalayan sa pagsakay sa sasakyan, hindi yung nauna pang sumakay sa ka-loveteam.
Dapat ko bang i-conclude na hanggang sa screen lamang ang sweetness nila, that in real life, wala silang pakialaman sa isa’t isa?
* * *
Bakit ang damut-damot na ngayon ng MMDA sa pagbibigay ng festival o season pass? Gone are the days na ang mga press ay nabibigyan ng pagkakataong mapanood ang lahat ng festival entries ng libre. Kung napapanood man ng press ang mga movies sa premiere nito ay naipapasa nila ang season pass sa kanilang kamag-anak.
Ngayon, ni anino ng season pass ay parang nag-disappear na, nawala ng parang bula. Bakit kaya, nagtitipid na kaya ang MMDA na siyang nagpapatakbo ng MMFF? O ang nabibiyayaan lamang ng season pass ang mga kai-kaibigan nila? Wala namang ganyanan!
* * *
‘Di naman pala napatungan ng Mano Po 6 ang I Love You… Goodbye sa opening day box-office results. Mas mataas ang resulta sa takilya ng pelikula ng Star Cinema kesa sa pelikula ng Regal. Sa isa kasing unofficial results na nakuha ko, mas malaki ang nakuhang kita ng MP6 sa ILYG. Pero sa isa pa ring unofficial results, mas mataas naman ang kinita ng Gabby-Angelica-Derek, at Kim starrer kesa sa Sharon/Zsazsa at all star cast ng Regal classic.
Sino man sa dalawa ang manguna, ang dalawang movie ang masasabing pinakamahigpit na magkalaban hindi lamang sa box-office kundi maging sa pagandahan ng movie at pagalingan ng mga artista.
- Latest