^

PSN Showbiz

Super G pumasok sa PBB!

-

MANILA, Philippines - Dumating na sa wakas ang BIG package na inaasahang magpapa-anghang ngayong Pasko sa Pinoy Big Brother (PBB) House - si Super G!

Lumapag na sa bansa ang Big Brother Germany ex-housemate na si Annina Ucatis noong Martes kasama ng kanyang real life boyfriend at dating housemate na si Sasha Schwan

Walang masyadong alam si Annina tungkol sa Pilipinas o sa PBB at sa mga housemates dito, pero pangako niya na ie-enjoy niya ang kanyang experience sa Bahay ni Kuya at gagawin niyang “memorable” ang kanyang pananatili.

Magka-birthday sina Annina at Paul Jake, pero kung ano ang edad ni Annina — secret muna.

Siguradong tuloy na naman ang paghahari ng PBB sa bagong sorpresang dala ni kuya. Bukod sa pangunguna sa primetime mula Lunes hanggang Biyernes, isa ring top-rater ang PBB tuwing Sabado at Linggo, kung kailan ipinalalabas ang live eviction at nomination ng mga housemates sa programa.

Samantala, natuloy naman ang PBB Christmas Ball kung saan apat na mang-aawit ang pumasok para maghandog ng palabas para sa mga attendees. Nilapitan ni Christian Bautista si Sam at isinayaw, gayon din naman si Richard Poon kay Rica.

Sina Sam at Rica ang natatanging dalawang female housemates na walang ka-date na boys nung gabing iyon dahil walang nag-imbita sa kanila. Dahil dito, nakaramdam ng “rejection” ang dalawa.

Pakiramdam ni Rica ay hindi siya belong sa ganitong okasyon na tinawag niyang “parade of rejection.” Ayon kay Doc Randy, ang resident psychologist ng PBB, marami kasing pinagdaanang “rejection” itong si Rica simula bata, at dahil hindi siya naimbitahan ng isang kasama para maging date sa ball ay bumalik ang mga alaala ng mga pinagdaanang pag-ayaw sa kanya.

Si Sam naman nasanay na rin na walang nag-iimbita sa kanya as date since high school. Nang mapansin ito ng mga kasamahang lalaki ay agad na kinausap ni Johan ang dalaga at inimbitahan niyang magsayaw. Hindi siya nadaan sa pakiusapan, kung kaya’t si Paul Jake naman ang sumubok na magsayaw sa kanya at dinaan sa hilahan.

Bilang napiling King and Queen ng taumbayan, ipi­na­dala ni kuya sina Jason at Melissa sa Star City kung saan magkasama silang sumakay sa Balloon Wheel habang nag-o-“owveeer” looking sa Mall of Asia. Nahuli rin ng camera na magka-holding hands ang dalawa sa van papunta at pabalik sa PBB House.

Ano naman kaya ang maging epekto ng pagdating ni Super G sa kanila? Abangan iyan sa Uber kasama si Mariel Rodriguez pagkatapos ng Banana Split Daily Servings, sa PBB Double Up kasama si Toni Gonzaga sa Primetime Bida pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw at sa PBB Double Uplate kasama si Bianca Gonzalez tuwing hatinggabi. May livestreaming din sa www.pinoybigbrother.com at SkyCable channel 150

vuukle comment

ANNINA

ANNINA UCATIS

BALLOON WHEEL

BANANA SPLIT DAILY SERVINGS

BIANCA GONZALEZ

BIG BROTHER GERMANY

PAUL JAKE

PBB

RICA

SUPER G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with