^

PSN Showbiz

Dalawang sikat na personalidad tuloy ang pagtatampisaw sa kasalanan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Maaga akong nagpunta sa birthday dinner ni Lorna Tolentino sa Lolo Dad’s sa Makati noong Martes.

In fairness, hindi ako natrapik papunta sa Makati kahit sinasabi ng marami na dusa ang pagbiyahe doon.

As usual, ako ang pinakamaagang dumating kaya napilitan ang mga waiter na mag-serve ng pag­kain.

Ang kanyang panganay na anak na si Raphe ang escort ni Lorna nang umapir ito sa kanyang birth­day dinner.

May iniabot sa akin na short note si Raphe. I-plug ko raw sa Startalk ang kanyang Twitter account para madagdagan ang followers niya.

Ignorante ako sa mga Twitter at Facebook account kaya hindi ko masyadong na-gets ang explanation ni Raphe. Mga tsismis ang alam ko, hindi Twitter. Basta ang natandaan ko, raprapfernandez ang kan­yang Twitter account name. Sa mga gustong mala­man ang activities ni Raphe, sundan n’yo siya sa Twitter. Yun lang!

* * *

Lalong gumanda at bumata si Lorna. Pumayat siya dahil na rin siguro sa taping ng Dahil May Isang Ikaw, ang show na sagana sa kidnapping scene.

Maa­ga akong dumating sa dinner kaya maaga rin akong umalis. Hindi ko na nakita ang ibang mga bisita.

Sinu-sino ba ang mga na-sight ko? Nandoon ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, Fanny Serrano, Isabel Rivas, Laurice Guillen at ang dalawang anak nila ni Johnny Delgado, Phillip Salvador, Lyn Cruz, Jo-Ann Maglipon at Anna Pingol ng Yes Magazine.

Nandoon din si Amy Austria pero nagmukhang malaki ang restaurant dahil hindi kami nagkita.

Nagsabi na si Amy sa akin na magiging active na uli siya sa showbiz sa 2010.

Nainip na rin yata si Amy dahil ilang taon na puro rest and recreation ang kanyang ginawa.

Tinanggihan ko ang maraming regular TV shows na offer kay Amy dahil priority niya na maging plain housewife.

At dahil an actress will always be an actress, na-miss ni Amy ang pag-arte sa harap ng mga kamera.

Never nawalan ng offer si Amy dahil magaling siyang artista.

* * *

Tuloy pa rin ang pagtatagpo ng dalawang kontrobersiyal na personalidad na nagtatampisaw sa kasalanan dahil sa kanilang bawal na relasyon.

Kiyeme-kiyeme lang na naghiwalay na sila. Mukhang totoo ang tsismis na na-in love ang mhin sa girl kaya hindi siya makakalas sa kanilang bawal na love affair.

* * *

May mga nag-react pala nang ideklara ko na si Joy Belmonte ang aking susuportahan na vice-mayoral candidate sa QC.

Bakit daw si Joy eh hindi naman ito taga-showbiz? Bakit hindi eh type ko siya dahil sa kanyang magandang background at credentials.

Hindi ako puwedeng diktahan kung sino ang aking dapat iboto. Privilege ko na piliin ang kandidato na gusto ko.

Type ko si Joy dahil hindi nito pinatulan ang mga paninira sa kanya ng mga kalaban niya sa pulitika. Yon ang pagkakamali ng detractors ni Joy dahil habang sinisiraan siya, lalo niyang nakuha ang simpatiya ng mga tao. Matatalino na ngayon ang mga botante. Alam nila na walang katotohanan ang mga paninira kay Joy. Knows din nila ang source ng mga paninira.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

ANNA PINGOL

BAKIT

DAHIL

DAHIL MAY ISANG IKAW

FANNY SERRANO

ISABEL RIVAS

JO-ANN MAGLIPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with