Mano Po ni Mega Graded A ng CEB
MANILA, Philippines - Wala pa ring final print hanggang kahapon ang Wapakman, ang pelikula ng kontrobersiyal na sina Manny Pacquiao at Krista Ranillo at siyempre ni Rufa Mae Quinto na sabi nga niya ay mukhang nakalimutang siya naman talaga ang leading lady sa nasabing pelikula ng Solar Films.
DVD copy pa lang ang natatapos nila at naka-schedule i-review ngayong araw ng Cinema Evaluation Board. Ngek, ano kaya yun.
Nagka-aberya ang shooting ng pelikula nang lumaki ang issue kina Manny at Krista. Nahirapan silang tapusin ang pelikula.
May lumabas na issue na hindi na aabot sa Friday ang pelikula kaya sa December 27 na lang ito mapapanood sa mga sinehan. Malaki rin daw ang babayarang multa ng Solar dahil sa nangyari.
Anyway, sa pitong official entries sa Metro Manila Film Festival, dalawang pelikula pa ang iri-review ngayong araw ng CEB. So far, isa pa lang ang graded A, ang Mano Po 6 ni Megastar Sharon Cuneta.
- Latest