Regine nanghihinayang na magparegalo ng Hermes bag
Tuwang-tuwa si Phillip Salvador na bukod sa ganda ng Ang Panday, napupuri rin ang acting ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa nabanggit na pelikulang entry ng Imus Productions at GMA Films sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF).
“Aminin n’yo, hindi si Bong kundi si Flavio ang nakita n’yo kanina,” ani Phillip sa mga katabing manunulat after the press preview of the said movie.
Sabi pa ni Ipe, nawala ang kunot-noo at timbagang na acting ni Bong.
“Sa salita at kilos at lalo na sa fight scene niya, si Flavio at hindi si Bong ang napanood ninyo. This is really his best movie,” patuloy ni Phillip.
Ipinapasa-Diyos na lang ni Phillip at sa kamay ng mga juror ng MMFF kung mananalong best actor si Bong at kung bibigyan ng blessing na manalong best picture at makakuha pa ng ibang awards ang Ang Panday sa awards night.
* * *
Chanel bag ang Christmas gift ni Ogie Alcasid kay Regine Velasquez at ang patuloy na pagpapagawa sa music studio ni Ogie naman ang gift sa kanya ng Asia’s Songbird. Masyado raw mahal kung bibiglain ang pagpapagawa ng music studio ng BF niya, kaya inuunti-unti niya.
“Ang pagpapagawa ng kanyang music studio na rin ang birthday, New Year, at Valentine gift ko sa kanya. Ino-order ko kung ano ang kailangan, kaya matagal,” sabi ni Regine.
Nabanggit din niya na dream ni Ogie na bilhan siya ng Hermes bag, pero kung siya ang masusunod, ’wag na lang daw dahil sobrang mahal ang nasabing designer bag.
Sa Australia magpa-Pasko sina Regine at Ogie at kahapon sila umalis at sa Dec. 27 ang balik dahil pangako ni Regine sa kanyang pamilya na dito siya sa Bagong Taon. Bibisitahin lang nila ang mga anak ni Ogie at habang nasa Australia, matutulog siya at magpapahinga.
Bago umalis, nag-taping muna si Regine sa guesting niya sa Darna at kahit may mga nagko-comment na ’di bagay sa status niya ang mag-guest sa show ni Marian Rivera, masaya pa rin siya.
“First villain role ko ito at happy ako na sa akin ibinigay ng GMA 7. Ano ba’ng status ko? Ang importante nag-i-enjoy ako sa ginagawa ko at saka matagal ko nang dream na maging kontrabida ni Sharon Cuneta at dito sa Darna natupad ang dream na ’yun. I find the role of Electra interesting,” rason ni Regine.
Sa January 1, 2010 unang lalabas ang karakter ni Electra at maraming mangyayari at gagawin ang karakter ni Regine sa six days niyang pagti-taping. Kahit dusa sa kanyang costume na may headdress at kapa pa at kahit sa initan ang mga eksena nila ni Marian, walang narinig na reklamo kay Regine.
* * *
Narito pala si Princess Punzalan para magbakasyon at magtrabaho. Kasama siya sa cast ng The Last Prince nina Aljur Abrenica at Kris Bernal at ginagampanan ang role ni Alwana na tiyak na kon trabida. Kahapon, ginawa ang pictorial ni Prin cess na balita namin, excited sa muli niyang pagbabalik-telebisyon.
- Latest