Anak ni Mother Lily nagmaldita
Ni isang cast member ng mga entries ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival ay walang sumipot sa kasado nang guesting sa Startalk nitong Sabado, this after nagkaroon na ng last-minute confirmation that representatives from two Regal movies would arrive.
Naabutan kong nginangarag ng aming program manager si Gorgy Rula na siyang ang direktang kinokontak for promo guestings, pero wala nga itong maiprodyus na mga artista dahil ni ang coordinator ay wala rin mula sa Regal Films. Next scene, nagtatarayan na sina Gorgy at Roselle Monteverde-Teo over the phone. Katuwiran ni Roselle (anak ni Mother Lily), makitid daw ang utak ng Startalk dahil hindi nito nauunawaan na hindi nila hawak ang schedule ng kanilang mga artista. Dito na nagpanting ang tenga ni Gorgy who flatly told Roselle na wala nang aasahan pang tulong ang Regal Films mula sa Startalk, and then Gorgy passed the phone to the program manager.
Mahinahon namang pinagpaliwanagan ng PM si Roselle who was still raising hell. Napakalma lang daw ito when she (Roselle) was made to understand that it was no longer Startalk’s concern if there was any communication problem between their staff and the stars.
But that wouldn’t pacify a still enraged Gorgy who vowed never to cover Mano Po 6’s preem night that evening. On behalf of Startalk, tahasan din niyang sinabi sa promo coordinator on the phone na kahit pa si Sharon Cuneta ang mag-promote ng live sa programa, tabla na rin.
Moments later, nakatanggap ng tawag si Gorgy mula kay Mother Lily, panay hingi ng dispensa on behalf of Roselle na inamin daw ng ina na isang “maldita.”
Funny, Roselle, to whom Mother Lily has entrusted operating their business empire, is acting like a neophyte. Dapat alam niya that this is a give-and-take game: Nakakahanap sila ng venue para ilako ang kanilang paninda at ang venue (being Startalk) ay nakakahatak ng mga mamimili.
In the first place, bayad ang kanilang promo coordinator because it’s his job, after all. Hindi naman mangongomisyon ang Startalk sa promo guy na ’yon, whoever he may be. Hindi rin binabayaran ang programa for the promo guesting.
Mabuti pa ang pelikula ng Kaizz Ventures na Nobody, Nobody But… Juan. Nung mag-guest sila sa Startalk, kasama pati ang producer ni Dolphy na si Joe Aldeguer!
* * *
Mabigat palang bearing in the choice for Best Picture ang pagkakaroon ng commercial viability, hindi lang kung gaano kahusay ang pagkakagawa ng pelikula.
Early bet namin kasi ang I Love You… Goodbye ng Star Cinema, it being a Laurice Guillen movie. Pero kung ang pagbabasehan ay ang box-office take, hindi nito mapapantayan ang mga adventure movies lalo’t dominated ang market ng mga bata na sinasamahan ng kanilang mga magulang.
Malalim kasing kuwento ng pag-ibig ang nakapaloob sa Star Cinema entry led by Gabby Concepcion, Angelica Panganiban, Derek Ramsay, and Kim Chiu.
- Latest