^

PSN Showbiz

Dating ka-date ni Ashton Kutcher patay na

-

LOS ANGELES — Si Brittany Murphy, na nagkapangalan sa pelikulang 8 Mile at Just Married, ay natagpuang patay sa kanilang banyo sa edad na 32 nitong Linggo ng umaga.

“Natural causes” ang ibinigay na dahilan ng Los Angeles County coroner’s office nang madala ang aktres sa Cedars-Sinai Medical Center pero nag-iimbestiga pa rin sila.

Tinangkang iligtas si Brittany nang nag­respondeng Los Angeles Fire Department ban­dang alas-otso sa tahanan nila ng asawang si Simon Monjack, isang British screenwriter.

Ipinanganak noong Nov. 10, 1977, sa Atlanta, lumaki si Brittany sa New Jersey at lumipat sa Los Angeles kasama ng kanyang ina para magpursige sa pag-arte.

Nagsimula ang kanyang karera noong early 1990s sa mga maliliit na karakter sa telebisyon, komersiyal, at pelikula. Nakilala si Brittany sa Girl, Interrupted, Clueless, at 8 Mile.

Nagpasalamat ang aktres sa role niya sa 8 Mile dahil doon siya mas higit na natandaan ng mga tao.

“That changed a lot,” sabi ni Brittany sa AP noong 2003. “That was the difference between people knowing my first and last name as opposed to not.”

Naka-date ng aktres si Ashton Kutcher nang maging co-star niya ito sa romantic comedy na Just Married noong 2003.

Nagpadala ng mensahe ang aktor sa Twitter tungkol sa pagkamatay ni Brittany: “2day the world lost a little piece of sunshine. My deepest condolences go out 2 Brittany’s family, her husband, & her amazing mother Sharon.”

ASHTON KUTCHER

BRITTANY

BRITTANY MURPHY

CEDARS-SINAI MEDICAL CENTER

IPINANGANAK

JUST MARRIED

LOS ANGELES

LOS ANGELES COUNTY

LOS ANGELES FIRE DEPARTMENT

NEW JERSEY

SIMON MONJACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with