Heart magpapa-aral ng production assistant
Clad in a dark-colored one-piece backless dress, hindi nagtagal si Heart Evangelista sa joint Christmas treat ng Royal Era Entertainment at Mega Publishing held at a Chinese resto nitong Miyerkules. Understandably busy, kinailangang umalis agad ni Heart.
But there was more to Heart’s ‘pasa-love’ as her way of thanks. Nito ko lang kasi napagtanto kung gaanong mapuso ang alagang ito ni Annabelle Rama, bagay na hindi alam ng marami.
Ang utility na nagngangalang Caesar Catadman, kasama ni Heart sa kanyang programang Fashionista sa QTV 11, ang magpapatunay sa pagiging bukas-palad ng aktres. Hindi ko ito mismong nalaman kay Caesar, the same utility guy of QTV’s Tweetbiz who fixes the best coffee I’ve ever tasted, kundi sa mga katrabaho ni Heart.
Balak pala ni Heart na papag-aralin si Caesar kahit sa two-year course upang mapakinabangan ang sipag at galing nito in production work. Ewan ko kung tama ang dinig ko na merong bagong directive ang GMA 7 at QTV 11 na kailangang college level ang sinumang gustong magtrabaho bilang PA o production assistant.
Whatever, saludo ako kay Heart. Sa iba ko pa kasi nalaman ang kanyang magandang intensyon sa kanyang kapwa.
* * *
Probably the busiest actor ng mga panahong ito ay walang iba kundi si Gabby Concepcion.
Consider his sked : ngarag ang aktor sa Dahil May Isang Ikaw na magtatapos na sa January, in between ay isinisingit niya ang kanyang taping for ABS-CBN’s Kung Tayo’y Magkakalayo, kasagsagan din ng pagpo-promnote niya ng I Love You… Goodbye na official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival, in the works na rin ang movie nila ng kanyang anak na si KC Concepcion… ang lagay, wala na bang oras si Gabby para sa personal niyang buhay?
Sabi nga ni Tita Emma Guevarra : “That’s the price you have to pay.”
- Latest