^

PSN Showbiz

Jean nahihirapang maghanap ng bagong ka-relasyon

RATED A - Aster Amoyo -

Sa final presscon ng Ang Darling Kong As­wang na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Cris­tine Reyes na dinirek ni Tony Y. Reyes na kasali sa 2009 Metro Manila Film Festival, inamin ng nakababatang kapatid ni Ara Mina na nakapag-move on na siya sa break-up nila ni Dennis Trillo kaya nakikiusap siya na sana’y huwag nang kunin ang kanyang reaction kung nali-link man daw si Dennis sa ibang babae dahil wala naman daw siyang karapatang mag-react.

Ina­­min ni Cristine na close friends sila ngayon ni Jake Cuenca dahil sila ang madalas na mag­kasama at magkatrabaho sa ABS-CBN pero wala umano siyang special someone sa ngayon dahil naka-focus daw siya sa kanyang trabaho.

Dahil sa pagiging sobrang busy, naging sakitin si Cristine lately.

”Kaya kapag may free day ako, bumabawi talaga ako ng tulog at pahinga. Mababalewala rin kasi ang maraming work kung parati naman akong may sakit,” aniya.

* * *

Marami-rami na ring failed relationships ang pinagdaanan ni Jean Garcia pero hindi raw ito dahilan para ma-discourage siyang umibig muli.

“Mahirap hanapin ang perpektong relasyon pero sana’y mangyari ‘yon sa akin balang araw dahil nakakapagod na rin. But I’m not complaining. In all the relationships I had in the past ay naging masaya rin naman ako at may natutunan din ako,” pag-amin ni Jean.

”Siguro kung hindi para sa akin, hindi mang­yayari ‘yon pero umaasa pa rin ako na balang araw ay bibigyan ako ng Diyos ng isang relasyon na pang­matagalan na,” asam niya.

Natu­­tu­wa si Jean na may MMFF movie rin ang kanyang anak na si Jennica, ang Shake, Rattle & Roll XI

Una nilang mag-iinang panonoorin ang Ang Darling Kong Aswang kung saan kasama si Jean at isusunod naman nila ang Shake, Rattle & Roll XI pero plano nilang panoorin ang lahat ng entries sa MMFF.

* * *

Ngayong ikinasal na ang ex-wife ni Ogie Alcasid na si Michelle van Eimeren kay Mark Murrow na isa ring Australyano, hindi na siguro mahihirapan ang sikat na singer-composer-TV host-comedian na ma­kuha ang approval ng annulment ng kanyang kasal kay Michelle.

Kapag na-annul ang kasal nina Ogie at Michelle, wala nang magiging balakid sa plano nina Ogie at ka­sintahan nitong si Regine Velasquez na mag­pakasal at malamang na ito’y mangyari sa susunod.

* * *

[email protected]

vuukle comment

ANG DARLING KONG AS

ANG DARLING KONG ASWANG

ARA MINA

BUT I

CRISTINE

DENNIS TRILLO

JAKE CUENCA

MICHELLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with