^

PSN Showbiz

Kuwento ng Identical bracelet nina Manny at Krista isiniwalat na ni Jinkee

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Excited na akong mabasa ang January 2010 issue ng YES Magazine dahil gusto ko nang makita ang exclusive photos ng bahay nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Amerika.

Nagpunta ang YES sa Amerika para makunan ng litrato ang bonggang-bonggang bahay ng mag-asawa pero hindi ito ang kuwento na gusto kong mabasa.

Kailangang malaman ko ang kuwento tungkol sa identical bracelet na pinag-umpisahan daw uli ng tampuhan nina Manny at Jinkee.

Nakakaintriga raw ang kuwento ng bracelet na hindi naman diamond at lalong hindi expensive. Malalaman ko ang puno’t dulo ng kuwento dahil nagpapabili na ako ng kopya ng YES!

* * *

Congrats sa stars, directors, staff at produ ng Shake, Rattle & Roll XI. Confirmed na successful ang premiere night ng eleventh Shake, Rattle & Roll dahil talagang nakakatakot ang pelikula.

Ang sey ng aking source, napuno ng sigawan ang loob ng sinehan dahil sobrang afraid ang viewers. Effective daw ang pananakot na ginawa ng mga artista at direktor ng pelikula.

Hindi kumpleto ang Metro Manila Film Festival kung walang horror movie na kagaya ng Shake, Rattle & Roll.

Ganado si Mother Lily na i-produce ang ganitong klase ng project dahil talagang pinipilahan sa takilya. Pupusta ako na sure winner sa box-office ang Shake, Rattle & Roll Xl.

* * *

Pumirma uli ng kontrata sa GMA 7 ang TAPE Inc.., ang produ ng Eat Bulaga. Nagpirmahan ang mga bossing ng GMA at TAPE sa bahay ni Atty. Gozon sa Forbes Park.

Dahil nag-renew ng kontrata ang Eat Bulaga sa Kapuso network, matitigil na ang mga tsismis na lilipat ang number one noontime variety show sa TV5.

Maganda ang relasyon ng TAPE Inc. sa GMA 7 kaya walang dahilan para mag-ober da bakod sila sa ibang network.

* * *

Parang hindi naman affected si Pia Guanio sa pagkatigbak ng kanyang afternoon show sa GMA 7, ang Chika Minute Explosive.

Actually, lumuwag pa nga ang schedule ni Pia na halos araw-araw na napapanood sa TV. Mainstay siya ng Eat Bulaga at anchor ng Chika Minute ng 24 Oras. Sa pagkawala ng Chika Minute Explosive, nagkaroon ng libreng oras si Pia. May time na uli siya para sa kanyang sarili at sa dyowang si Vic Sotto.

* * *

May special participation si Pia sa Ang Darling Kong Aswang. Nabanggit lang ang pangalan niya sa presscon ng filmfest movie ni Bossing Vic pero hindi masyadong napagtuunan ng pansin dahil nakasentro ang publicity ng pelikula sa unang team-up nina Bossing at Cristine Reyes.

Hindi na rin masyadong tinanong si Bossing tungkol sa relasyon nila ni Pia o kung kailan sila magpapakasal. Masyado nang gasgas ang isyu at ang tanong na ganoon.

Sa tuwing may pelikula na ipino-promote si Bossing, madalas na tungkol sa pagpapakasal ang itinatanong sa kanya.

Ganyan din ang mga question kay Mang Dolphy na nasawa na rin sa pagsagot.  

vuukle comment

AMERIKA

ANG DARLING KONG ASWANG

BOSSING VIC

CHIKA MINUTE

CHIKA MINUTE EXPLOSIVE

CRISTINE REYES

DAHIL

EAT BULAGA

FORBES PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with