^

PSN Showbiz

GMA Network mataas ANG rating ayon sa AGB Nielsen survey

-

MANILA, Philippines - GMA Network ang nananatiling top-of-mind free-to-air TV station sa Mega Manila habang ang mga programa at talent ng GMA news and public affairs ang nakakuha ng mas mataas na credibility ratings ayon sa quantitative survey na isinagawa ng AGB Nielsen Philippines nitong Setyembre.

Umabot daw sa 44.8% ng mga respondent sa Mega Manila ang nagsabing GMA ang top-of-mind free-to-air TV station. Nasa 87% ng mga respon­dent ang regular na nanonood ng GMA.

Isa rin ang GMA Network sa preferred stations ayon sa 74% ng respondents.

Sa nasabing AGB Nielsen survey, nakakuha ng mas mataas na credibility rating ang GMA. Nasa 68.9% ang rating nito.

Sinusuportahan nito ang resulta ng qualitative study na ginawa ng GMA sa Metro Manila na nagsasabing patas, balanse, at panig sa katotohanan ang pagbabalita sa GMA.

Ayon pa sa AGB Nielsen study, nanguna ang personalities ng GMA News and Public Affairs pagdating sa appeal, credibility, competence, at interest to watch. 

Si Jessica Soho ang nanguna sa listahan ng mga anchor at reporter pagdating sa appeal. Si Mike Enriquez ang tinuturing na pinaka-credible, at si Mel Tiangco ang pinaka-competent at most interesting to watch.  Sina Arnold Clavio at Vicky Mo­rales ay kabilang din sa top five news anchors sa lahat ng measured attributes.

Ang iba pang News and Public Affairs perso­nalities tulad nina Howie Severino, Pia Arcangel, Kara David at Rhea Santos ay kasama rin sa top 20 list.

Una rin ang GMA Network sa Corporate Social Res­ponsibility ayon sa 83.5% ng respondent.

Nanguna rin ang GMA Network sa over-all ap­peal na kinumpirma ng 67.2% ng respondents.

CORPORATE SOCIAL RES

GMA

HOWIE SEVERINO

KARA DAVID

MEGA MANILA

MEL TIANGCO

METRO MANILA

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS

NIELSEN PHILIPPINES

PIA ARCANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with