^

PSN Showbiz

FPJ 'hinihintay' pa rin ni Susan Roces

- Veronica R. Samio -

Isa sa ipinagpapasalamat ni Susan Roces sa pagbibigay sa kanya ng role ni Remedios sa Pa­mas­kong serye ng GMA 7 na Sana Ngayong Pas­ko ay mayroon siyang mapagkakaabalahan, hindi na niya masyadong maiisip na wala na si FPJ at mag-isa na lamang niyang ipagdiriwang ang Pas­ko. Bukod pa ito sa pangyayaring, napaka-ganda ng kanyang role.

Bukod sa pagkakaroon ng edad, si Susan pa rin ang aktres na hinahangaan ko, malumanay sa pag­bibitaw ng kanyang mga salita, magalang sa kausap niya kahit kasing edad din niya ako, palaging may ngiti sa labi lalo’t ang pinag-uusapan ay ang trabahong mahal at nababanggit ang lala­king pinaka-mamahal niya at lubhang nami-miss sa buhay, ang hari ng aksiyon, si Fernando Poe, Jr. na kailan lamang ay muling ginunita ng bansa ang death anniversary.

 “I prefer to celebrate privately. Ang mga ganitong okasyon tulad ng mga birthdays, wed­dings, Christmas ay gusto kong ipagdamot, gusto kong sa akin na lamang.

 “Dumalaw ako sa puntod ni Ronnie nung Oct. 28. Gusto kong makaramdam man lamang na kasama ko pa rin siya pero, wala. Tinanong ko rin ang mga nasa sementeryo kung nararamdaman nila siya, sabi nila hindi.

 “Matagal ko nang hinihintay na maramdaman man lamang siya. Palagi kong sinasabi sa kanya na nalulungkot ako sa kanya. Sana ngayong Pas­ko, hindi ako malungkot dahil wala na siya. Kaya thankful ako sa Sana Ngayong Pasko, it keeps me busy. Hindi ako nakakaramdam ng kalungku­tan kahit wala yata akong ginawa kundi umiyak nang umiyak sa series.

 “Sana ngayong Pasko, maalala natin why we celebrate Christmas, bakit tayo masaya, nagbibi­ga­yan ng regalo. Because yun ang wish ng God. For us to give to those who have less in life. Di lang material. It eases some of our heartaches, dis­­comfort. What’s a table of full of food kung walang iba to share it with,” sabi niya tungkol sa Pasko.

Walang plano sa Pasko si Susan. Ayaw niya ng reunions, mula nang mamatay si FPJ. Kung ano ang nandun, yun ang ginagawa niya, she’s not a cere­monial person. Ang mahalaga sa kanya ay ang mag­simba, magbigay ng regalo sa mem­bers ng family.

Gusto niyang maging friends ang kanyang mga apo, yung tipong nasasabi nila sa kanya ang mga problema nila. Ayaw niyang dinadalaw nila siya dahil responsibilidad nila ito, kundi dahil gusto nila siyang makita’t makausap.

* * *

Masaya sa set ng Sana Ngayong Pasko. In between their scenes, kuwentuhan ang mga artista o nag-aaral ng script. Pero bawat eksena nila, ginagawa nilang moment, kaya akala mo, wala silan­g nakikita kundi ang mga kaeksena nila kapag umaarte na sila. Bumabalik lamang sila sa reyalidad kapag tapos na ang eksena nila.

Hindi rin intimidated ang mga bagets sa mga senior co-actors nila. Paano pinag-aaralan nila ng husto ang script nila. Nagta­tanong o humihingi ng advice kung paano nila iaarte ang mga ek­sena nila. Most of the time, they need not ask, lalo na sina Susan at Boyet, at maski na si Gina Alajar, palaging handang tumulong.

* * *

Unti-unti nang bumabalik ang relasyon nina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo sa pagtapak ng Your Song Presents Sa Kanya Pa Rin sa huling episode nito ngayong Linggo sa ABS-CBN.

Nagpahayag din si Roxanne ng kanyang mga saloobin noong huling araw ng kanilang taping : “Nakakalungkot siyempre kasi baka matagalan na bago kami ulit magkasama ni Jake sa isang project.”

* * *

Lahat tayo ay gulat sa kinahantungan ng buhay ng mag-asawang Robin Padilla at Liezel Sicang­co. Wala tayong kamalay-malay na may problema pala sa pagsasama nila. Kung hindi pa napaba­litang nag-divorce sila ay hindi pa natin malalaman na hindi pala okay ang lahat sa kanila.

Ngayong hapon sa Showbiz Central, ibibigay sa atin ang buong istorya ng paghihiwalay nila.

Ito at ang marami pang istorya sa showbiz ang ihahatid sa atin ng SC.

AYAW

BUKOD

FERNANDO POE

GINA ALAJAR

NILA

PASKO

SANA NGAYONG PASKO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with