GMA 7 may ibang plano kay Pia Guanio
“Starting Monday no more Chika Minute Explosive and Starstruck Shout Out. Don’t worry guys my boss says they’ll look for a better time slot.
“Thank you to all of you who watched! Will keep you posted on developments! Don’t feel bad. God has better plans. Always,” expressed Pia Guanio sa kanyang Twitter account.
Nag-last day na kahapon ang nasabing programa na hindi pa yata nakakaisang buwan sa ere.
Hindi nakayang makipagsabayan sa mga latest tsika ng programa ni Pia dahil hindi live ini-ere ang programa kaya ang ending hindi rin ito gaanong nag-rate.
* * *
Wala nang makakapigil sa gagawing pelikula nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos. Any moment ay magsisimula na ang shooting ayon kay Mr. Vic del Rosario ng Viva Films. Solo na ng Viva ang nasabing pelikula. Originally ay co-prod ito ng Viva at Star Cinema pero obviously hindi nag-materialize ang plano.
Anyway, namaga pala ang face ni Sarah dahil nagpatanggal daw ito ng ipin. Kaya ang ending, hindi raw makalabas sa TV ang singer/actress.
Samantala, busy na naman ang fan ni Sarah sa pagpapadala ng e-mail tungkol sa kanilang idolo.
Say nito, bakit daw hindi na-mention ang name ni Sarah sa coverage ng Walk of Fame. Hindi raw nila alam kung intentional ang nangyari o nalimutan lang talaga dahil kasama naman ang name niya sa binigyan ng star sa Walk of Fame na sininulan ni German Moreno.
Worried din sila kung bakit daw si Wenn Deramas ang magdidirek ng pelikula eh kilala raw itong director ng mga comedy film na minsan ay corny na lumalabas.
“Sana maganda ang pagkagawa ng pelikula kasi medyo pamilyar na ang tao sa style ng pagdidirect ng pelikula ni Wenn Deramas ng mga comedy eh. Madalas kasi ay nagiging parang corny na ang kinalalabasan,” sabi ni Irene.
Well, siguradong hindi ito pababayaan ng Viva.
- Latest