^

PSN Showbiz

Maraming artistang mahirap hagilapin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mahirap hagilapin ang mga artista sa mga ganitong pa­na­­hon, lalo na ang mga artista na sadyang iniiwasan na mamigay ng mga regalo. Gusto n’yo bang malaman ang kanilang mga pangalan?

Huwag na, dahil siguradong kukulangin ang space ng aking column kung iisa-isahin ko ang kanilang mga pa­ngalan. Knows nila kung sino sila.

Kaya nga type na type ko sina Boots Anson-Roa at Zsa Zsa Padilla dahil namigay sila ng gifts sa presscon ng Mano Po 6. Hindi sila namili ng bibigyan. Lahat ng mga reporter na pumunta sa presscon, may bitbit na regalo mula kina Zsa Zsa at Boots.

* * *

Sino ba ang mga artista na marunong mag-share ng blessings? Nandiyan sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Dennis Trillo, at ang Gutierrez family.

Dapat matuto ng PR kay Annabelle Rama ang mga artista. Likas kay Bisaya ang pagiging generous dahil kahit noong dalaga pa siya, may-I-share niya ang mga grasya na natatanggap.

Hindi naman superstar noon si Annabelle para regaluhan niya ang kanyang co-workers. Hanggang ngayon, dala-dala niya ang kanyang ugali na minana rin ng mga anak niya.

* * *

Nagpapasalamat nga pala ang Gutierrez Family at S Magazine people kay Aileen Go ng City Best dahil sa masasarap na pagkain na inihanda nila.

Si Aileen ang may-ari ng Sisters Napkin. Pamilyar ang kanyang name dahil binabati ko siya sa Startalk tuwing Sabado.

Walang kapalit na hiningi si Aileen mula sa S Magazine. Happy na siya na ginanap sa City Best ang bonggang presscon ng S Magazine para sa Gutierrez family.

Kuntento na si Aileen na nakapagpa-picture siya at ang kanyang friends sa mga alaga at pamilya ni Annabelle Rama.

Wala rin kapalit ang pagsusulat ko tungkol sa City Best. Ma­sarap lang talaga ang kanilang mga pagkain kaya dinarayo ito ng mga kostumer. Kayo na ang magkaroon ng magaling na chef na galing pa sa Hong Kong.

* * *

Ilang beses ko nang napanood ang Tweetbiz at may isa akong reklamo, masakit sa mata ang malikot na galaw ng ka­mera.

Dapat baguhin ng mga cameraman ang kanilang anggulo at shots para hindi sumakit ang ulo ng televiewers na kagaya ko. Huwag na nilang gayahin ang style ng TMZ dahil hindi naman mga American ang kanilang viewers.

* * *

Pinapanood ko ang Dahil May Isang Ikaw dahil kay Lorna Tolentino. Patindi nang patindi ang mga eksena ng Dahil May Isang Ikaw dahil malapit na rin itong matapos. Hanggang January 2010 na lang ang primetime show nina LT.

Matutuwa naman ang fans ni Marian Rivera dahil extended hanggang February 2010 ang Darna. Puwede pang madagdagan ang mga bagong kalaban ni Darna dahil matagal pa ang itatakbo nito sa TV.

AILEEN

AILEEN GO

ANNABELLE RAMA

CITY BEST

DAHIL

DAHIL MAY ISANG IKAW

MARIAN RIVERA

S MAGAZINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with