Susan Roces may curfew sa taping
Tuloy na tuloy na ang balik-tambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes next year, gaya nang ipinangako ng network. Sa general assembly ng employees ng network, ipinakita ang teaser ng mga bagong show ng istasyon at isa ang Endless Love na gagawin ng dalawa.
Nagsigawan daw sa tuwa ang empleyado na ikinagulat ng mga bossing ng Channel 7 na present sa nasabing general assembly dahil hindi inaasahan na pati employees nila’y na-miss ang tambalan nina Marian at Dingdong at excited nang muli silang mapanood.
Nang makausap si Marian, nabanggit na Autumn In My Heart sa Endless Love series ang gagawin nila ni Dingdong na tama lang dahil ito ang una sa series ng Endless Love.
Excited na ring gawin ng aktres ang project kahit very sad ang ending nito.
* * *
Bumisita kami sa taping ng Sana Ngayong Pasko na sa bahay ng production designer na si Chito Sumera sa Paombong, Bulacan ang location. Nakausap namin si Susan Roces na sanay na pala sa malalayong location, kaya wala itong reklamo.
Maganda ang location nila dahil kontrolado ang ingay na kailangan dahil live sound ang gamit at magkakalapit ang ibang location gaya ng simbahan at ospital. Saka sanay na ang mga tao sa kanila’t madaling pakiusapan.
May curfew si Ms. Susan at dapat hanggang 12 midnight lang siya nagti-taping, pero siya na rin ang nagsasabi na kung may mabibiting eksena na ‘di puwedeng iwanan at kung kaya rin lang niya, puwede siyang mag-extend ng oras ng trabaho.
Sabi ni Ms. Susan, nakaka-relate ang viewers sa Sana Ngayong Pasko dahil istorya ito ng pamilya at kung paano naapektuhan ang ibang miyembro dahil sa away ng mga magulang. “Hindi ko pa nagagawa ang role ni Remedios na ginagampanan ko at requirement ng role ko is my age na bagay sa akin, very rich ang emotion at sa mga artistang gaya ko, mahirap tanggihan ang project na very challenging,” sabi ni Susan.
* * *
“Really bad” ang sagot ni Zsa Zsa Padilla tuwing tinatanong kung how bad is her Olive character sa Mano Po 6 at inapi-api niya at ng kanyang pamilya si Melinda (Sharon Cuneta). Hindi lang sampal at sabunot ang ginawa niya sa Megastar, sinaksak din niya ito.
Pasalamat si Zsa Zsa na bumalik sa kanya ang offer ng Mano Po 6 dahil nang unang i-offer, tinanggihan niya dahil dapat may tour silang hindi natuloy. Nang bumalik ang offer, agad tinanggap at nag-request pang gawing black ang kanyang karakter para mas tumatak sa tao.
* * *
Nang-iimbita ang ICON o International Circle of Online Noranians na maki-celebrate sa kanila sa 25th anniversary showing ng mga pelikula ni Nora Aunor na Merika, Bulaklak ng City Jail at Condemned na pare-parehong ipinalabas noong 1984.
Sa pakikipag-tulungan sa UP Film Institute, sunud-sunod na ipalalabas for free sa
Videotheque of the UP Film Institute this Saturday, December 19, ang Merika (1:00 p.m), Bulaklak ng City Jail (2:45pm) at Condemned (7:00 p.m).
May program - panel discussion ng guests at soft launch ng DVD ng Bona at Tatlong Taong Walang Diyos.
- Latest