GMA Network CEO, tumanggap ng Business Excellence Award
MANILA, Philippines - Ginawaran kamakailan si GMA Network Chairman, President at CEO Atty. Felipe L. Gozon ng 2009 Business Excellence Award nang nangungunang business magazine na BizNews Asia (BNA).
Isa si Gozon sa mga kauna-unahang tumanggap ng nasabing parangal. Binigyang pugay ng BNA ang overall management excellence ni Gozon, matapos nitong pangunahan ang pagiging malaking television station sa bansa ng GMA Network. Simula nang maupo si Gozon bilang President at CEO ng GMA Network sa huling bahagi ng taong 2000, umakyat ng higit sa sampung beses ang kita ng kumpanya.
Kinilala rin ang GMA Network CEO “for enriching the lives of Filipinos everywhere with innovative programming, quality entertainment, responsible delivery of news and information, and unfailing commitment to public service.”
Ang 2009 BNA Business Excellence Awards ay iginawad sa mga kumpanya bilang pagkilala sa kanilang “excellent products or services and business models.”
Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na guest of honor sa nasabing pagdaraos, ang naggawad ng parangal kay Gozon at sa iba pang awardee.
“GMA Network’s success as a company is the result of our continuing effort to live by our corporate mission, vision and core values. I am glad that our efforts to serve the public are being recognized by prestigious organizations here and abroad, including BizNews Asia,” ani Gozon.
- Latest