Vic Sotto payag magka-show sa ABS-CBN
SEEN : One hundred thousand pesos ang ipina-raffle ni Manny Pacquiao sa Christmas party ng GMA 7 para sa entertainment press.
SCENE : Ang wish ni Rhian Ramos na maging mainstay ng SOP habang hinihintay niya ang susunod na TV project.
SEEN : Ang press release ni Princess Violago na busy siya sa mga charity works.
Hindi na-impress ang mga reporters sa kanya dahil hindi dapat na ipinagmamalaki ang pagtulong sa kapwa.
SCENE : Hindi pa naglalabas ng statement ang Star Magic tungkol sa deportation ni John Lloyd Cruz mula sa Japan.
SEEN : Kukumpletohin ni Ina Feleo ang Simbang Gabi para sa kanyang namatay na ama na si Johnny Delgado.
SCENE : Natapos na ang 15-minute fame ni Bianca King. Nagsalita na siya sa lahat ng talk shows tungkol sa paglalabas ni Suzette Ranillo ng mga gamit niya mula sa tent ni Krista Ranillo.
SEEN : Malaki ang galit ni Butch Francisco kay Dr. Hayden Kho, Jr.
Hindi naniniwala si Butch na nag-attempt na mag-suicide si Hayden.
SCENE : Open si Vic Sotto sa idea na magkaroon siya ng show sa ABS-CBN.
Wala raw siyang problema sa mga TV networks.
- Latest