Dingdong madalas kausap ang tatay ni Marian
Mismong si Andrea ‘‘Andeng’’ Bautista-Ynares, ang nagpalagay ng pangalan ni Rico Gutierrez bilang visual effects director sa poster ng pelikulang Ang Panday, na bida ang kanyang kapatid na si Sen. Bong Revilla, Jr.
Pero hindi ’yon nagustuhan ng direktor nitong si Mac Alejandre nang tumambad na ang poster sa kanya.
How true na gustong patungan ng pentel pen ni Mac ang pangalan ni direk Rico, which means Mac wants the credit all to himself?
If so, si Mac na rin sana ang nagbida sa movie.
* * *
‘‘Best friend’’ kung tawagin ni Marian Rivera si (Kuya) Ernie Pecho nung idaos ng mga alaga ni Popoy Caritativo, along with Dennis Trillo, ang kanilang Christmas treat for the press nitong Sabado.
Matatandaan na straight to her face at a presscon several months back ay nagdayalogo si Kuya Ernie kay Marian ng ‘‘plastikada ka!’’ At ikinaiyak ’yon ni Marian.
’Yun ang mga panahon that Marian earned the tag of being press-unfriendly, hence, an avalanche of bad publicity.
Pero tapos na ang kabanatang ’yon, just as Marian has rekindled her friendly ties with other members of the press na inamin niyang pinagkakautangan niya ng loob. And as a token of gratitude, expectedly fabulous ang salu-salong inihanda nila ni Dennis with their manager Popoy as the punong-abala.
At a casual tsikahan, sinabi ni Marian na ayaw na niyang magtakda ng petsa kung kailan plano nilang dalawa ni Dingdong Dantes na dalawin ang kanyang ama sa Spain. ‘‘Nauudlot lang kasi parati eh,’’ sabi ni Marian of her trip sometime next year.
Hindi pa man, did you know that Dingdong and Marian’s father are in constant communication? So, Dingdong speaks fluent Spanish? ‘‘Ang dad ko kasi, he speaks Tagalog, English, so nagkakaintindihan sila,’’ sabi ni Marian who looked fresh that early night kahit limang araw na siyang walang tulog.
* * *
Itinanggi ng isang male personality na naka-one-night stand niya ang isang guwapong aktor (yes, they’re rumored to be gay). Hindi naman daw kasi sila ganoon ka-close, but they know each other quite well.
Ang tsika kasi, they jumped to bed together. At kung iniisip n’yo that it was a give-and-take sexual act, hindi po. Ang male personality lang daw ang siyang ‘‘nagtrabaho’’ habang nagpapaserbisyo lang ang aktor.
Naimadyin namin agad what it was like seeing them, pareho naman kasi silang desirable even to the gay community… desirable daw, o!
* * *
Sa pamamagitan ng aming kolum, nais ding magpasalamat ni Butch Francisco sa mga malalapit niyang kaibigan na bumati sa kanya ng happy birthday sa dapat sana’y surprise VTR sa kanya ng Startalk but was not aired.
Many thanks daw to Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Ms. Lorna Tolentino, Toni Rose Gayda, at Ali Sotto.
- Latest