^

PSN Showbiz

Vina tanggap ang hiwalayan nila ng ama ng kanyang anak

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Tanggap naman pala ni Vina Morales ang nangyaring hiwalayan sa kanila ng ama ng anak niyang si Ceanna na si Cedric Lee. Tutal naman ay may anak siya at kaya naman niyang buhaying mag-isa ang anak na babae ayon sa nagbalita. Nagpapasalamat pa nga ang singer-actress na nagkaroon siya ng anak na matagal niyang pinangarap.

Kaya nga sinasabi ngayon ni Vina sa kanyang mga kaibigan na kailangan niya talagang mag-work to the max para sa future ng anak.

Nauna nang napabalita na namomroblema si Vina sa nasabing hiwalayan nila ng negosyanteng boyfriend na hindi pa pala annulled sa asawa nang mabuntis ang actress-singer.

Mahal na mahal naman ni Vina ang nasabing negosyante na sadly ay hindi nga siya mapa­pakasalan dahil legally ay kasal pa ito sa hiniwa­layang asawa na balitang ngayon ay nagkabalikan na.

* * *

Nawalan na agad ng isang major sponsor ang sikat na golfer na si Tiger Woods matapos umamin sa kanyang infidelity at magdesisyong pansamantalang mamahinga sa golf para ayusin ang personal niyang buhay.

Ayon sa website ng CNN: “Accenture, a management consulting firm, said on its Web site that ‘given the circumstances of the last two weeks... the company has determined that he is no longer the right representative for its advertising.’

“The move ends a sponsorship arrangement that lasted six years.

“Another major sponsor, Gillette, said Saturday it was ‘limiting’ Woods’ role in its marketing programs to give him the privacy to work on family relationships.

Woods announced on his own website Friday that he is taking an ‘indefinite break’ from professional golf.

“The 33-year-old golfer, who tops the sports world rankings, has been mired in controversy since he crashed his car outside his Florida mansion late last month. In the week following the crash, Woods apologized for ‘trans­gressions’ that let his family down, and US Weekly magazine published a report alleging that Woods had an affair with a 24-year-old cocktail waitress named Jaimee Grubbs.”

“After much soul searching, I have decided to take an indefinite break from professional golf. I need to focus my attention on being a better husband, father, and person,’ sabi ni Woods sa kanyang naunang statement.

Sa kultura ng Pinoy, wala pang ganitong celebrity — ang umamin sa kanilang pagkakasala lalo na kung tungkol sa pambababae.

Iba ang twist ng story ng golfer samantalang ang issue sa kapwa niya endorser ng Nike na si Manny Pacquiao ay iba rin naman, pero lahat denial.

* * *

Wala na pala sana sa plano ni Mother Lily Monteverde na gumawa pa ng Shake Rattle & Roll ngayong taon. Pero maraming nag-advise na bakit naman titigil si Mother Lily eh kumita naman lahat ng Shake… na ginawa niya at in fact, consistent itong kasama sa top three sa mga nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Na true naman.

Kasama na sa tradisyon ng taunang MMFF ang Shake… kaya hindi talaga magiging kumpleto ang movie festival tuwing Pasko ’pag wala ito.

Anyway sa bagong Shake, Rattle & Roll franchise, nagsama-sama na naman ang malalaking artista para maghasik ng takot simula sa Pasko.

Bukod sa malalaking artista, mas bongga ang katatakutan sa tatlong istorya nito na idinirek din ng mga baguhang direktor.

Kasama sa mga episodes ang Lamang Lupa starring Jennica Garcia, Rayver Cruz, Iya Villania, Mart Escudero, Bangs Garcia, at ang kambal na sina Dominic and Felix Roco na dinirek ni Jessel Monteverde.

Sunod ang Diablo episode kung saan mag­kasama sina Maja Salvador and Mark Anthony Fernandez for the first time. Si Rico Gutierrez ang humawak ng episode na ito.

Marami pa rin namang kinikilig sa balik-tambalan nina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi sa Ukay-Ukay episode.

BANGS GARCIA

CEDRIC LEE

FELIX ROCO

IYA VILLANIA

JAIMEE GRUBBS

JENNICA GARCIA

JESSEL MONTEVERDE

KASAMA

LAMANG LUPA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with