^

PSN Showbiz

Heart gamit na gamit; Sharon nilayasan ng mga reporter

- SEEN SCENE -

Seen : Ang mga eksena sa Dahil May Isang Ikaw at Stairway To Heaven noong Biyernes. Mag­­kasabay na magkasabay ang eksena na inii­yakan ni Cholo (Dingdong Dantes) ang pagka­matay ni Jodi (Rhian Ramos) at ang eksena na ini­lilibing si Denise (Karylle) sa Dahil May Isang Ikaw.

Scene : Iniwanan ng mga reporter ang press­con para Sharon Cuneta noong Biyernes. Nainip sila sa paghihintay kay Sharon na late ng tatlong oras at kalahati sa sariling presscon.

Seen : Sinakyan ng ABS-CBN ang pagiging kontrobersiyal ni Krista Ranillo. Ang guesting ni Kris­ta sa May Bukas Pa ang ginagamit nila na tea­ser plug ng primetime shows ng network.

Scene : Mayabang ang pahayag ni Dorothy Laforteza na mayaman ang gusto niya na maging asawa ni Sunshine Dizon dahil hindi ito ipina­nga­nak na pobre. Paalaala sa ina ni Sunshine : Hindi kasalanan ang maging mahirap.

Seen : Gamit na gamit si Heart Evangelista sa mga press release na balak ni Dennis Trillo na ligawan siya.

Scene : Malapit na ang 2010. Dapat mapanin­digan ni Rufa Mae Quinto ang kanyang press re­lease na magpapakasal siya sa 2010.

Seen : Walang ginagawa sa Tweetbiz ang Sur­vi­vor Philippines castaways na sina Justine Fer­rer at Suzuki na nakatunganga lang at hindi nag­sa­salita. Hindi sila nakakatulong sa bagong show­biz show ng QTV 11.

Scene : Gaganapin sa Gen. Santos City ang birthday party ni Manny Pacquiao sa December 17. Natatakot ang mga invited guest ni Manny na pumunta sa Gen. Santos dahil sa kaguluhan na nangyayari sa Maguindanao.

vuukle comment

BIYERNES

DAHIL MAY ISANG IKAW

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

DOROTHY LAFORTEZA

HEART EVANGELISTA

JUSTINE FER

KRISTA RANILLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with