Piolo kinarir na rin ang pagiging photographer
MANILA, Philippines - Ang Piolo Pascual na nakilala ng lahat na matagumpay sa pelikula, telebisyon, at recording ay pinili naman ngayong maging tahimik sa likod ng camera lens — bilang photographer.
Matutunghayan ang kanyang mga likha sa kalendaryong SunPIOLOgy 2010 na ka-partner ang Sun Life Financial-Philippines. Ang kalendaryo ng mga kuha ni Piolo ay mabibili sa Fully Booked! outlets sa buong Pilipinas at maipi-feature pa sa benefit photo exhibit hanggang Disyembre 18 sa Art Hall ng Enterprise Center sa Ayala Avenue, Makati City. Mayroong bidding (www.sunpiology.com) at ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa Hebreo Foundation na binuo ng magkakapatid na Pascual para sa kanilang education advocacy.
Paano bang nabuo ang Hebreo Foundation?
“There came a point when everything was happening so fast, blessings just pour in one after another. Thankful ako pero lagi kong naiisip kung paano ako maibabalik sa iba ang grasya,” sabi ni Piolo.
“At dahil ang edukasyon ang pinakamagandang oportunidad na maibibigay mo na makakasiguro ng magandang kinabukasan. Hindi man ako nakatapos ng kolehiyo, my parents always value education, kaya I’m applying the same mindset in raising my son.”
Idinagdag pa ng very in demand actor-endorser na kaya siya masaya sa pakikipagtulungan sa Sun Life para sa ganitong proyekto ay dahil layunin din ng kumpanya na siguraduhin ang kinabukasan ng bawat bata.
Tungkol naman sa pagkahilig niya sa photography, sinabi ni Piolo na noon pa siya interesado sa ganitong uri ng sining. Nagpapasalamat siya sa pagdating ng digital technology dahil napadali ang pagkuha ng mga larawan.
The SunPIOLOgy project with Sun Life Financial gave me the chance to showcase my photography and gather support for Hebreo Foundation. Kaya ang sarap ng pakiramdam nang kunin nila ako kasi mapapakinabangan ang hobby ko ng mga bata mula sa aming foundation,” masayang kuwento ni Piolo.
- Latest