ABS-CBN naghakot sa Anak TV Seal
MANILA, Philippines - Namayagpag ang ABS-CBN sa listahan ng mga kinabibilibang programa at personalidad ng mga kabataan ngayon sa ginanap na Anak TV Seal Awards.
Kabilang sa eleven na hinirang na most admired programs ang ASAP, Maalaala Mo Kaya, Matanglawin, May Bukas Pa, Pilipinas Game KNB? Rated K, Tayong Dalawa, TV Patrol World.
Tinanghal naman na Anak TV Male Makabata Stars sina Ryan Agoncillo, Gerald Anderson, Kim Atienza, Julius Babao, John Lloyd Cruz, Ted Failon, Zaijan Jaranilla, Edu Manzano, Coco Martin, Piolo Pascual at Gary Valenciano.
Wagi rin sina Kris Aquino, Kim Chiu, Sharon Cuneta, Anne Curtis, Karen Davila, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Maja Salvador, Korina Sanchez at Vilma Santos para naman sa Anak TV Female Makabata Stars.
Samantala, pinalad naman na mabigyan ng Anak TV Seal ang mga child-friendly programs ng Dos na Kabuhayang Swak na Swak, Matanglawin, May Bukas Pa, Pilipinas Game KNB? Rated K, Salamat Dok, Sineskwela and Wonder Mom.
Dalawang Anak TV Seal din ang inuwi ng Studio 23 para sa programa nitong Gourmet Everyday at Y-Speak .
Ang Anak TV Seal Awards ay taunang inoorganisa ng Southeast Asian Foundation for Children and Television. Kinikilala nito ang mga programa at personalidad sa telebisyon na maituturing na mabuting impluwensiya sa mga kabataan.
- Latest