^

PSN Showbiz

Cesar namimili kina Angel at Bea

-

 Habang hindi pa nag-uumpisa ang opisyal na kampanya, sasamantalahin ni Cesar Montano ang pamamalagi sa Bohol. Isasabay niya ang shooting ng isang indie film titled The Quick Brown Fox.

Siya ang producer, director, actor ng nasabing indie film na kukunan sa magandang lugar ng kanyang pinagmulang probinsiya.

Tungkol sa treasure haunting ang gagawin niyang indie film. Pinagpipilian pa niyang makasama sa pelikula sina Bea Alonzo o Angel Locsin. “Wala naman kasi akong masyadong gagawin. Dito ako (Bohol) magso-shoot.

“Pero hindi ko pa nakakausap ang magiging leading lady ko. Pero si Bea Alonzo ang nakikita ko. Pero may Amerikanong kasama sa pelikula.

“Meron kasing mapa written in Eskaya, Eskaya kasi ay parang Alibata pero sa South ito. Ang Eskaya ang tribung dinatnan ni Francisco Dagohoy dito. Nung dumating si Francisco Dagohoy wala siyang anak sa tunay niyang asawa pero nang pumunta siya sa Eskaya, nagkaroon siya ng maraming anak sa iba’t ibang babae,” pag-alala sa kuwento ni Cesar.

Local police ang role ni Cesar sa nasabing indie film na naghahanap sa pumatay ng may hawak ng mapa na kinaroroonan ng tagong yaman.

Ito ang kasama sa pagkakaabalahan niya bukod sa The Singing Bee sa ABS-CBN na mabuti na lang at hindi siya nakapag-resign sa nasabing programa noong time na hindi pa lumalabas ang ruling ng Supreme Court na puwede pang mag-apir sa TV lahat ng mga kandidatong artista. 

Anyway, tumatakbo si Cesar sa five-kilometer marathon ng Mega Sardines sa Baclayon nang datnan namin siya sa Bohol last weekend. In fairness, praktisado si Cesar sa pagtakbo dahil araw-araw daw siyang tumatakbo kahit nandito raw siya sa Maynila. Kasama sa nasabing marathon ang asawa niyang si Sunshine Cruz na hindi na natapos takbuhin ang limang kilometro, sumakay na lang siya papunta ng finish line. 

After ng event, saka namin nakausap ang aktor. Doon nabanggit niya na dalawang posisyon pala sa gobyerno ang tinanggihan niya – bilang chairman ng Optical Media Board at Ambassador for Film and Digital Cinema. Pero mas excited daw kasi siyang makipag-bakbakan sa pagka-governador sa Bohol.

Actually, may issue kasi na kaya siya binibigyan ng posisyon sa gobyerno na matatapos na sa Mayo ay dahil ayaw siyang patakbuhing governador sa Bohol. “Wala na akong naisip na ibang posisyon,” matigas na pahayag ng aktor na dating nasa partido ng Lakas pero kamakailan ay nanumpang ka-partido ni Noynoy Aquino sa Liberal.

Ang palakasin pa ang turismo at edukasyon ang prayoridad ni Cesar.

Pero kung siya raw ang tatanungin, ayaw din sana niya. At may ilang kontra sa kanyang naging desisyon na kumandidato. “Sinabi kong wala na itong atrasan at kung hindi ko gagawin, babalikan din ako ng konsensiya ko,” sabi niya.

Siya ang provincial chairman ngayon ng Liberal sa nasabing probinsiya.

Pero tanggap niya ang tsismis na kanya-kanyang gastos ang mga kandidato ng Liberal dahil lahat daw ng pondo ng nasabing partido ay para sa tumatakbong pangulong si Noynoy. “Walang problema, marami namang tumutulong,” katuwiran niya. “Saka nangako naman sila ng tulong, kaya aasa pa rin ako,” dagdag niya.

Anyway, maganda ang Bohol. Parang talbog pa nga nila ang Boracay sa ganda ng mga beaches. Hindi lang masyadong napo-promote. White sand din at hindi masyadong crowded.

Ang mga simbahan, sobrang magaganda. Ideal ito sa Mahal Na Araw, sa Visita Iglesia,

* * *

Nanghihinayang si Edu Manzano na hindi siya nakahabol sa awarding ceremonies ng Anak TV Seal kung saan kasama siya sa Roster of Makabata Stars.

Proud pa naman daw si Edu nang matanggap niya ang letter ng Anak TV :

“Anak TV again enlisted the services of thousands of Filipino jurors, young and old, repre­senting various sectors and geographic areas. We asked them to single out their choices for the most admired and most child-sensitive perso­na­lities on local television. The emerging top names therefore can be regarded as the people’s genuine choices.

“We asked jurors who their households favored or revered among our TV personalities. With helpful suggestions from the research groups of ABS-CBN and GMA Network, we redesigned the ballot to ensure we generated objective answers.

 You rated among the highest and Anak TV wishes to officially induct you into the Roster of Makabata Stars.”

Na-delay daw ang flight ni Edu from Cebu kaya ’di siya nakaabot.

ANAK

BEA ALONZO

BOHOL

ESKAYA

FRANCISCO DAGOHOY

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with