^

PSN Showbiz

Staff problemado kung paano sasabihin, mga host tsugi sa magri-reformat na show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi malaman ng staff ng isang TV show kung paano sasabihin sa mga hosts na ire-reformat ang show nila at sa pagre-reformat, tsugi na sila bilang mga hosts. Nagtuturuan pa ang staff kung sino ang magsasabi sa mga hosts dahil ayaw nilang masaktan ang mga ito.

Nasa tampo mode pa naman ang mga hosts ng show dahil inalis rin sila sa isa pa nilang show at baka isiping tuluyan na silang tsinutsugi ng network. Wish ng staff na maintindihan ng mga hosts ang desisyon ng management, saka marami pa namang shows na darating.

* * *

Sina Diether Ocampo at Precious Lara Quigaman ang bida sa digital movie ng Cinema­buhay na Slow Fade at tungkol sa video editor na ma­lapit nang mamatay at ni-record ang nalalabi niyang mga araw para sa kanyang anak na hindi na niya makikita.

Written and directed ni Rommel Sales ang Slow Fade at screenplay ni Paul Sta. Ana. Ang pelikula ang tumanggap ng P1 million grant mula sa Cinema­buhay, a program of the PLDT Smart Foundation na nag­bibigay ng seed money sa first-time filmmakers. Itinatag noong 2005 ang Cinemabuhay sa pangu­nguna ni Albert Martinez.

Naka-relate si Diether sa role ni Darius, ang video editor na nire-record ang remaining days niya dahil ginawa ito ng kanyang ama na namatay ng cancer. Nag-flashback sa kanya ang effort ng ama para maalala niya kahit wala na ito. 

* * *

Sa huling interview namin kay Jolina Magdangal sa Christmas Party ng PPL Entertainment, Inc., nabanggit nitong hindi siya sigurado kung babalik sa SOP sa January dahil may iba silang plano ng manager niyang si Perry Lansigan.

Nasulat pa ngang baka bumalik si Jolina sa     ABS-CBN dahil ang Dear Friend na lang ang re-gular show niya sa GMA 7, pero mukhang hindi pakakawalan ng Channel 7 ang singer-actress dahil may bago siyang show sa istasyon.

Kabilang siya sa Panday Kids na for airing next year. Nag-shoot na si Jolina ng cinema plug na ipalalabas during the Metro Manila Film Festival ka­sama ang iba pang cast ng show na sina JC de Vera, Jackie Rice, Lovi Poe, Buboy Villar, Jr., Polo Ravales, at ibang bagets stars ng Channel 7.

Nang una naming marinig ang project na ito, kasama sa cast ang anak ni Robin Padilla na si   Kylie Padilla, join pa rin kaya ang dalagita?

* * *

Sinunod ng GMA 7 ang Korean version ng Stair­way to Heaven, kaya mamamatay din si Jodi (Rhian Ramos). ’Katuwa ang kuwento ni Rhian na bago kunan ang death scene niya, sinabihan siya ng staff na paghandaan ’yun na hindi niya alam kung paano. Nang finally, makunan ang eksena, nalungkot siya dahil the end na rin ng love story nina Cholo at Jodi.                                                                                                                                                                                                  

Samantala sa last Thursday ng palabas, patay na si Tristan (TJ Trinidad) at sa iniwang sulat kay Cholo (Dingdong Dantes) naghabiling ’wag sasabihin kay Jodi (Rhian) na nagpakamatay siya at sabihing nasa malayong lugar lang siya. Kabado ang lahat sa eye operation ni Jodi lalo na si Cholo na ayaw mabigo ang nobya at ayaw mawalang-saysay ang sakripisyo ni Tristan.

Babagsak ang mundo ni Maita (Jean Garcia) sa balitang namatay si Jovan (Jestoni Alarcon) sa ibang bansa. Mawawala ang pag-asang mailabas sa kulungan si Eunice (Glaiza de Castro).

ALBERT MARTINEZ

BUBOY VILLAR

CHRISTMAS PARTY

DAHIL

DEAR FRIEND

DINGDONG DANTES

JACKIE RICE

JODI

SLOW FADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with