^

PSN Showbiz

Nagka-aberya ang shooting dahil dalawang aktres nagpatalbugan sa produktong iniendorso

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

It’s been a year and a day, kahapon, Dec. 7 ang unang death anniversary ni Marky Cielo.

Ilang araw bago kahapon ay bumiya­he na patu­ngong Benguet ang ina ng yumaong aktor, si Ginang Mildred Cada­weng, bilang pag­gunita sa kan­yang anak whose death, to this day, remains to be a puzzle.

Bilang pag-alaala sa mga pumanaw nitong Todos Los Santos, tanggap na ni Mom­my Mildred ang mapait na katoto­hanan. Wala siyang sinalan­san o inayos sa mga naiwang gamit ni Marky, from his bedding to his neatly stacked clothes.

Nagpauna na ang tatay-tatayan ni Marky na si Rommel Gacho na hindi ito maka­kaak­yat sa Benguet bilang paggunita sa unang taon ng kama­tayan ng kanyang alaga. Nagkataon kasi na kasag­sagan ng StarStruck V, ang nagsilbing behi­kulo rin ni Marky tungo sa kanyang panan­daliang kasikatan.

* * *

Hindi na bago ang “silent war” sa pagitan ng da­lawang sikat na aktres na ito, in fact, of late ay umabot ito sa inggit ng isa sa kanila while doing a movie together.

For purposes of identity, tatawagin kong C at A ang mga bida ng tsika na ito.

Inalmahan ni C ang isang eksena ng ginagawa nilang pelikula ni A, kung saan may exposure ang isang food product na iniendorso ng huli. Ayaw mag­patalbog si C, katuwiran niya, meron din naman siyang ilang food products na iniendorso, kaya why wasn’t the same privilege extended to her?

Dahil sa silipang ’yon, pansamantalang naba­lam daw ang shoot. Kung kelan pa naman sana may deadline na binubuno ang produksiyon ay saka naman nagkaroon ng ganitong aberya.

For sure, kapwa itatanggi nina C at A ang intri­gang ito, baka kasi makaapekto pa ito sa iisang pa­ni­ni­walang-pampulitika na kanilang pinagsa­saluhan.

* * *

Naghihimutok ang kasamang Tweetbiz paparazzo (singu­lar of paparazzi) na si Sebastian na siya at sampu ng TV media na nag-abang sa pagdating ni Krista Ra­nillo ganap na alas diyes ng umaga nitong Linggo sa NAIA ay umuwing walang nakalap na balita.

Maliban sa lalaking flight atten­dant na kinuyog ng media, ito na lang ang sumalag sa mga tanong kung saan dumaan si Krista pagkalapag ng eroplano. Diumano, tight security ang pinairal ng airport authorities upon strict orders na rin ng isang kilalang personalidad (need I say who?) upang mai­wasan na ring mabahiran ng intriga ang pagbabalik ng starlet.

Agad namang kumilos ang kaibigang Gorgy Rula, isa ring Tweetbiz paparazzo, who im­me­diately contacted Arnold Vegafria, Krista’s ma­nager. Ayon sa huli, tanging ang career na lang ng kanyang alaga ang pina­kikialaman niya, and anything that has to do with Krista’s personal life is none of his business.

Sa posisyong ’yon ni Arnold, hindi pa rin nasagot ang palaisipan ukol sa umano’y illicit affair ni Krista kay Manny Pacquiao.

ARNOLD VEGAFRIA

BENGUET

GORGY RULA

KRISTA

KRISTA RA

MARKY

MARKY CIELO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with