^

PSN Showbiz

Aktres 'pinaboran' ang pamangkin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May mga bagong endorsements si Kris Aqui­no, pero gaya nang ipinangako, kukuha lang siya nang pambayad sa tax at lahat ng talent fee ay mapupunta sa campaign fund ng kapatid na si Sen. Noynoy Aquino.

Ang Boardwalk at Union Appliances ang dalawa sa bagong endorsements ni Kris at nauna na siyang mag-pictorial para sa Union at sa Friday naman ang scheduled pictorial niya for Boardwalk. Hindi namin alam kung may pinalitang endorser ng Boardwalk ang TV host-actress o idinagdag siya.  

* * *

Pinakamasamang role na ginampanan na sa TV ni Bobby Andrews ang kanyang ginagam­panan sa Sinenovela na Kaya Kong Abutin Ang Langit, but he is enjoying being bad. Mas colorful at mas napaglalaruan nga naman ang contravida role kesa god guy role.

Marami pang kasamaang gagawin si Bobby sa mga susunod na episodes, wait na lang tayo. Wala rin siyang peg sa karakter niyang si Nick, sinusunod lang niya ang nasa script at ang sina­sabi ni direk Topel Lee.

* * *

Pina-praktis ng aktres na ito ang kasabihang “blood is thicker than water” dahil sa isang showbiz event kung saan present ang maraming fans, nag­karoon ng games. Natoka sa aktres ang pag­tata­nong kung ano ang role niya sa nilalabasang soap.

Marami ang nagtaas ng kamay at gustong sagutin ang kanyang itinanong. Pero nag-effort pa ang aktres na lapitan ang isang grupo at dun pu­mili ng sasagot sa kanyang tsanong. Tama ang sagot nang napili niyang contestant, pero nalaman ng press na kaya walang kahirap-hirap na nasagot ang tanong ng aktres at talagang ma­sasagot kahit hindi manood ng soap ay dahil pamangkin niya ang contestant.

Mabuti na lang at hindi alam ng mga katabi ng contestant na kamag-anak siya ng aktres kaya walang nagreklamo na ito ang tumanggap ng prize.

* * *

Sa Darna, nagsimula nang mahiwagaan si Francesca (Rufa Mae Quinto) kay Vladimir (Akihiro Sato). Dahil naman sa balat ni Ding (Buboy Villar), matutukoy ni Dra. Debora (Rochelle Pangilinan) na ito ang kanyang anak.

Papayuhan ni Narda si Ding na umiwas sa doktora dahil malakas ang hinala niya na ang doktora ang hinahanap nilang manananggal.

vuukle comment

AKIHIRO SATO

ANG BOARDWALK

BOBBY ANDREWS

BUBOY VILLAR

KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT

KRIS AQUI

MARAMI

NOYNOY AQUINO

ROCHELLE PANGILINAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with