^

PSN Showbiz

Golden Boiz nagbabalik

-

MANILA, Philippines - Ang nagpasikat nang awiting Muling Ibalik na naging golden hit noon ay muling nagbabalik — ang Golden Boiz.

Sayang ang kanilang talento kung hindi nila ito maipapakitang muli sa kasalukuyan. Mayroon sila ngayong binubuong album na mula sa Alpha Records at sinisiguro nila sa kanilang mga tagahanga na ito ay kanilang maiibigan.

Wala pang titulo ang kanilang bagong CD pero ang dalawang single ng Golden Boiz ay napapakinggan na sa mga FM stations: Ang Pagbabago at Oh Aking Mahal.

Ang Pagbabago ay tumatalakay kung paano natin maiiwasang masira ang ating kalikasan na gawa rin natin. Ang Oh Aking Mahal naman ay tungkol sa pag-ibig na nagsasaad ng kaligayahan kung makakamtan.

Sa tulong ng kanilang tumatayong producers na sina Miss Glory Bern at John Peter ay muling nabuo ang Golden Boiz. Si Miss Bern ang patuloy na nanini­wala sa kakayahan ng grupo. Kaya naman ka­hit sabihin pang naglipana na ang mga banda, iba pa rin ang may talento at may K.

Ang grupo ng Golden Boiz ay pina­ngu­ngunahan nina Dennis Perez (lead voca­list), Jeff Berenguel (composer, rhythm gui­tarist), Erwin Quina Goran (lead guitarist), Joey Cambri (bass guitarist), at Ace Paes (drummer).

Abangan ang grupo sa darating na mall at provincial tours, pati na TV at radio guest­ings. Maaaring tumawag sa 482-1905 at 0910-5079184 para sa mga detalye at book­­ings o hanapin ang Glory Bern at John Peter Watch- Music Store sa Taytay, Rizal.

vuukle comment

ACE PAES

ALPHA RECORDS

ANG OH AKING MAHAL

ANG PAGBABAGO

DENNIS PEREZ

ERWIN QUINA GORAN

GLORY BERN

GOLDEN BOIZ

JEFF BERENGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with