^

PSN Showbiz

Lasengga bida sa dokumentaryo ni Sandra

-

MANILA, Philippines - Tila hindi mapatid ng tubig ang kanilang mga uhaw, dahil ibang klaseng sipa ang kanilang hanap. Sila ang mga babaeng ang tanging pumapawi sa tuyot nilang lalamunan ay alak. Ngayong Lunes, makikilala ni Sandra Aguinaldo ang mga lasenggang mula umaga hanggang gabi, lango sa ispiritu ng alkohol.

Labintatlong taon gulang nang magsimulang maging manginginom si Baby, 33 years old. Sa lala ng kanyang problema sa alak, ang tawag na sa kanya ngayon ng kanyang mga anak at kapitbahay, Baby Alak.

Pagkatapos maglaba, diretso sa inuman. Bago magtanghalian, happy-happy na sa tagayan. At kapag dumating na ang sapak ng alak, walang makakapigil sa kanyang pagwawala. Ang tanging nakakapagpauwi kay Baby, ang siyam na taong gulang niyang anak na si G2.

Samantala, nangungulila sa pagmamahal ngayon ang 51-taong gulang na si Helen kaya’t itinutuon na lang niya ang atensyon sa pag-inom ng alak. Nakipaghiwalay siya sa kanyang asawa at ngayon ay mag-isa siyang nakatira sa isang sulok ng Dagohoy Market sa San Andres, Manila.

Samahan ang documentary TV host na si Sandra na sundan ang buhay ng mga babaeng nabubu­hay sa tagay sa episode na Lasengga, ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

BABY ALAK

DAGOHOY MARKET

I-WITNESS

LABINTATLONG

LASENGGA

NAKIPAGHIWALAY

NGAYONG LUNES

PAGKATAPOS

SAN ANDRES

SANDRA AGUINALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with