Mr. Bean's Holiday at Look Who's Talking nasa 5MAX
MANILA, Philippines - Palamig na nang palamig ang simoy ng hangin sa labas ngayong linggo kaya naman offered sa 5MAX Movies ang magagandang Hollywood at Pinoy Indie Films na puwedeng i-enjoy gabi-gabi sa loob lang ng bahay featuring comedy movie Look Who’s Talking, 3000 Miles to Graceland, Astigmatism at Mr. Bean’s Holiday.
Sina John Travolta at Kristie Alley ang bida sa Lunes (December 7) sa multi-award winning comedy movie na Look Who’s Talking, kung saan featured ang boses ni Bruce Willis.
Luck always runs out, but true love doesn’t sa drama thriller movie na Luckytown, starring Kristen Dunst bilang isang dalagang naghahanap sa kanyang ama sa Martes (December 8). Palabas naman sa Miyerkules (December 9) ang pelikula ni John Red na pinamagatang Astigmatism, kung saan bida si Robin Padilla bilang si Bien, isang assassin na may astigmatism. Co-starring dito sina Albert Martinez, Francis Magalona, Jeffrey Quizon, Ronnie Lazaro, Alessandra de Rossi at Jaime Fabregas.
Donald Sutherland stars in the action thriller movie Natural Enemy sa Huwebes (December 10) bilang to-be business partner ng kanyang psychopathic step-son. Sa Biyernes (December 11) naman mapapanood ang sequel sa horror movie series na Texas Chainsaw Massacre, ang The Next Generation, a.k.a. The Texas Chainsaw Massacre 4.
Crime is king sa Sabado (December 12) sa action-thriller na 3000 Miles to Graceland, starring Kurt Russell, Kevin Costner, Courtney Cox and Christian Slater sa pagtangka nilang pagnakawan ang isang casino during a convention of Elvis Presley impersonators.
Family movie naman sa Sunday (December 13) with Mr. Bean kung saan mananalo siya ng trip to Cannes, where he unwittingly separates a young boy from his father sa comedy movie na Mr. Bean’s Holiday.
Amazing Couples Sa Life And Style
Paano ba mananatiling matibay ang isang tambalan?
Panoorin ang Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo alas-diyes ng umaga sa QTV-11 para malaman.
Tampok ang parehang Andrew Schmidt ng Mossimo at Shanina Jovan ng Debutante. Sa panayam sa kanila ni Mother Ricky ay patutunayan nila ang chemistry na nabuo sa kanilang samahan.
Sa Kablog ng Kapuso nagkalapit at naging tambalan sina Monica Verallo at Mico Aytona. Pakinggan kung wala bang selosan ang dalawa na kadalasang sumisira sa isang loveteam.
Weirdo manamit pero kuwelang magpatawa sina Ariel at Maverick. Sasagutin nila ang tanong ng LSWRR kung sino ang henyo sa gags at jokes at sino sa kanila ang Boss.
Ang Life and Style ay hatid sa inyo ng ScriptoVision.
Nasa larawan sina Andrew, Shanina, Ariel, Maverick, Mother Ricky, Monica at Mico.
Gma News Limang Dekada Na
1959.
Taon nang maluklok sa puwesto si Fidel Castro, nalibot ni Soviet premier Nikita Kruschev ang US, nakatakas ang dalai lama ng Tibet patungong India, at nakunan ng USSR Lunik III ang madilim na bahagi ng buwan sa kauna-unahang pagkakataon.
Taon ito ng maraming panimula.
Ito rin ang taong nabuo ang GMA News.
Flashforward sa 2009.
Ano nga ba ang nangyari sa nakalipas na 50 taon? Ano ang nagdulot sa pagiging lider ng GMA News sa larangan ng pagbabalita?
Samahan ang pinakapremyadong broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho upang balikan ang ugat ng GMA News, at kung paano ito nanguna sa pangangalap ng mga istoryang tumatak sa publiko. Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga paksang naugnay sa nakaraan, bibisitahin ni Jessica ang mga mahahalagang kaganapang sinubaybayan sa loob nang nakalipas na kalahating siglo.
Sabay aalalahanin ni Jessica ang dilaw na bestidang sinuot ni Cory Aquino sa kanyang oath-taking bilang Pangulo ng Republika, at ang matagumpay na People Power Revolution noong 1986.
Muling balikan ang Pope Mobile, ang sasakyang ginamit ni Pope John Paul II noong bumisita siya sa bansa. Isa ito sa mga landmark coverage ng GMA News.
Tunghayan ang mga kauna-unahang equipment na ginamit ng GMA News Live, ang mga naunang news bulletin na naisahimpapawid sa bansa – lahat nabuo upang maiulat ang latest updates hinggil sa Persian Gulf War noong 1991.
Alamin ang mga mahahalagang istoryang inihatid nina Jessica at Arnold Clavio bilang remote reporters ng 15-minute afternoon newscast na Saksi noong 1995 gamit ang dalawang electronic news gathering vans.
Balikan ang nakaraan at tuklasin ang makasaysayang pagdodokumento nang nakalipas na 50 taon ng GMA News. Huwag palampasin ang Limang Dekada kasama si Jessica Soho ngayong gabi sa SNBO.
- Latest