^

PSN Showbiz

Rufa Mae nagbago ang isip, di muna iiwan ang showbiz

- Veronica R. Samio -

Muli, ginulat na naman ni Rufa Mae Quinto ang lahat sa pagbawi niya sa pangakong iiwan na niya ang kanyang pag-aartista para pagtuunan ng pansin ang nalalapit niyang pagpapakasal. Binigyan niya ang sarili ng hanggang Disyembre para matapos ang lahat niyang commitment at pagkatapos ay babu na siya. Tatangkain naman niyang maging isang mabuting asawa at ina ng anak nila ng magiging mister niya. Sa Amerika na sila magsi-settle down.

Disyembre na at sa halip na pamamaalam ay sinabi niyang hindi pa siya titigil, magha-hanap­buhay pa rin siya, tutal naman daw ay maka­tapos pa ang eleksiyon balak nilang magpakasal. Uunahin muna niya ang paghaha­nap ng ‘kabu­hayan showcase.’

Kung ang manager niyang si Boy Abunda ay naintindihan siya at nagsabing lahat naman tayo ay maaaring magbago ng isip, tayo pa kaya ang hindi.

Baka lang kaya sa kagustuhan ng sexy actress na mas lumago ang kanyang kabuhayan ay mapag-iwanan siya ng biyahe.

Mabilis ang pag-usad ng panahon at hindi na siya bumabata. Baka dumating ang araw, marami nga siyang pera pero napag-iwanan naman siya ng panahon. ‘Di kaya?

* * *

Hanggang sa isang linggo na lamang ang Lovers in Paris. Lahat ay naghihintay kung anong pagbabago ang makikita ng mga manonood sa pagwawakas ng serye na ayon sa mga bossing ng ABS-CBN ay iibahin nila ang ending. Hindi kasi maganda ang naging pagtatapos ng orihinal na serye. Hindi ito magugustuhan ng mga local viewers kung susundin sa remake, kaya baba­guhin ito sa local version dahil hindi mahilig ang Pinoy sa mga malulungkot na wakas.

Samantala, nagpakita ng pagkalungkot ang lahat ng kasama sa serye.

Si Piolo Pascual ay naging bugnutin na dahil sa lungkot. At si KC Concepcion ay hahanap-hanapin yung pagti-taping niya. Maninibago siya na wala na ito.

Si Zanjoe Marudo naman ay iti-treasure ito bilang pinaka-magandang ginawa niya.

* * *

Wala ni munti mang panghihinayang si Sen. Bong Revilla na hindi niya tinanggap ang alok na tumakbo bilang bise presidente sa 2010. Sa halip ay nag-file siya ng kanyang Certificate of Candidacy bilang reelek­syunistang senador kasabay ni Lani Mercado na tatakbo namang kongresista sa nag-iisang distrito ng Bacoor, Cavite.

“Marami pa akong gustong gawin sa Senado. Bukod dito, ang salita ng aking ama ay parang salita na rin ng Diyos. Maghintay daw ako ng tamang pa­nahon dahil bata pa naman ako. Pero pagtakbo ko raw ay pumili ako ng mataas-taas na posisyon.

“Kung ano man ang ginagawa ko ngayon sa pulitika at sa showbiz ay natutunan ko lahat sa tatay ko.”

The older Revilla has virtually handed over to Bong the management of the family-owned Imus Pro­ductions.

Co-producer ang Imus ng Ang Panday kasama ang GMA Films para sa 2009 Metro Filmfest. It’s the second time for Bong to play the fighting blacksmith who wields his sword against the evil forces in the world.

* * *

Marami sa atin ang hanggang ngayon ay nalalabuan pa sa naging pangyayari tungkol sa pagkawala ni Sunshine Dizon sa eksena. Lalo na ngayong napagkikita na naman siya sa mga palabas ng GMA 7. Tatangkain ng Showbiz Central na bigyan linaw ito ngayong hapon.

I’m sure clueless din kayo sa tunay na score between JC Tiuseco and Maxene Magalona. Sa SC, sasagutin din nila ito.

May balita tungkol sa kaganapan sa kasalang Angelika dela Cruz at Orion Casareo, I’m sure walang Pinoy na ‘di interesado sa mga wedding news.

ANG PANDAY

BONG REVILLA

BOY ABUNDA

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DISYEMBRE

IMUS PRO

LANI MERCADO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with