Musika at pag-ibig ni Mega labas na
MANILA, Philippines - Kung isasalarawan si Sharon Cuneta sa dalawang salita, musika at pag-ibig siya.
Alam na ng lahat na nagsimula ang Megastar sa recording scene bago tinawag ng silver screen.
Sa larangan ng musika, nakilala ang pangalan ni Shawie matapos pumatok ng sunud-sunod ang mga kanta niya sa radyo na ang ilan ay naging soundtrack na nang pasukin niya ang pelikula. Alam na rin ng lahat pati ang personal na buhay ni Shawie ng mga tagasubaybay sa showbiz career, partikular na ang mga nakarelasyon niya.
Kaya hindi na nakapagtataka na kung sa bago niyang album sa Sony Music ay pamagatan ito ng Musika at Pag-Ibig. Fresh pa mula sa kanyang multi-platinum na Isn’t It Romantic album series, heto na naman si Megastar at muling maglalambing ng mga bagong romantikong awitin.
Ang malaking kaibahan sa kanyang Isn’t It Romantic album na puro Ingles, dito sa Musika at Pag-Ibig ay balik sa mga OPM (Original Pilipino Music) tunes si Sharon.
“OPM is what I started with in my recording career, and it is what I will always return to,” sabi ni Sharon.
Ang carrier single Tuloy Pa Rin, plus ang mga bersiyon niya ng Eto Na Naman ni Gary Valenciano, ang ’80s favorite na Bakit Ba Ganyan? ni Agot Isidro, Sarangola Sa Ulan ni Gary Granada, You’re My You ni Nyoy Volante at Habang Atin ang Gabi ng South Border, at marami pang iba ang aabangan sa bagong album ng Megastar.
“Hindi akin ang mga kanta pero collection siya of some of those I grew up listening to and loving, and songs I came across a bit later that I just fell in love with,” sabi ni Shawie.
“When the idea came up at Sony for an all-revival OPM album, the hardest part for me was choosing which of my favorites to delete from my (very long) short list!”
Musika at Pag-Ibig ay nasa mga record bars na. Para sa gustong mag-download ng mga ringback tones, truetones, at full track music ni Shawie, just text SONY at ipadala sa 3456.
- Latest