Paolo nasilaw sa offer ng TV5
“Growth” ang inirason ni Paolo Bediones sa paglipat niya sa TV5 at iwan ang GMA 7 na 14 years din niyang pinagtrabahuan. Three-year exclusive contract ang pinirmahang kontrata ng TV host sa TV5 at nagsimula ang kontrata niya sa Christmas Party for the Press kung saan, sila ni Ryan Agoncillo ang nagtulong mag-host.
Three regular shows ang nakatakdang gawin ni Paolo sa TV5 at isa rito ang pagko-co-host sa Shall We Dance with Lucy Torres-Gomez this December na. Maganda rin kung matutuloy ang naisip na show nila ni Ryan na magkasama.
Bukod sa three shows, may Smart endorsement din si Paolo worth one million na agad ibibigay sa kanya once pumirma na siya ng kontrata. May corporate position din siya na tutulong sa talent development and training ng TV5 talents.
Nagka-sleepless nights si Paolo sa pag-iisip kung dapat ba siyang lumipat at hindi at malaking bagay para tanggapin ang offer ng TV5 ang corporate position. Bago pumunta sa Christmas Party, pumunta muna sa GMA Network si Paolo para magpaalam sa mga bossing ng network at kahit malungkot ang paalaman, masaya ang lahat para sa kanya at sinabihang “do good” sa bago niyang home network.
Mami-miss ni Paolo ang GMA 7, ang mga nakasama niya sa trabaho at nakalulungkot na hindi na siya ang magho-host sa bagong season ng Survivor Phillipines. Ang maganda, willing siyang i-train ang ipapalit sa kanyang host ng reality show.
* * *
Si Dennis Trillo ang may pinakamaraming shows sa GMA 7 with four regular shows na magiging lima ‘pag umere ang Christmas presentation ng SRO Cinemaserye na Exchange Gift. Sa ngayon, napapanood siya sa StarStruck 5, SOP, Bubble Gang at Darna.
Sa first quarter ng 2010, lima pa rin ang regular shows ni Dennis kahit magtapos ang SRO Cinemaserye dahil papasok ang Sinenovela na Gumapang Ka Sa Lusak nila ni Jennylyn Mercado na sisimulan ni direk Maryo J. delos Reyes ang taping middle of December.
Nagpapasalamat si Dennis sa lahat ng shows na ibinibigay sa kanya, wala siyang karapatang mapagod at sa halip, nagiging inspirasyon niya ang maraming trabaho. Hindi rin maipagkakailang inspirasyon ng actor ang unti-unting pagiging close nila ni Heart Evanglista, kaya laking tuwa nito nang malamang gusto siyang makasama ng aktres sa teleserye.
* * *
Masayang ibinalita ni Jennica Garcia sa interview namin sa kanya para sa Lamang Lupa episode ng Shake, Rattle & Roll 11 na nakalipat na sila ng bahay, pero siya pa lang at ilang kasama ang nakatira dahil inaayos pa ang kuwarto ng inang si Jean Garcia. Umaasa ang young actress na hindi na babahain ang nilipatan nilang lugar.
Samantala, natutuwa si Jennica sa naririnig na comment na ang Lamang Lupa sa direction ni Jessel Monteverde ang pinakamagandang episode ng SR&R. Pero nahihiyang amining siya ang pinakabida ng episode dahil para sa kanya, group effort ito at lahat sila’y bida sa isang episode ng isa sa mga entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival.
- Latest