^

PSN Showbiz

Iza nailang sa laplapan nila ni Bong!

- Veronica R. Samio -

Tuluy na tuloy na ang pagpapalabas ng Ang Panday na magkatulong na prinodyus ng GMA Films at Imus Productions. Kasama ito sa 10 pelikula na ipalalabas sa Pasko para sa Metro Manila Film Festival ’09.

Para sa 2009 bersiyon ng orihinal na istorya ni Carlo Caparas, ginawan ng pagbabago ang itsura ng dalawang major characters sa istorya na sina Flavio (Bong Revilla) at Lizardo (Phillip Salvador).

Pinabongga rin at hindi tinulugan ang special effects para mabuo. Sabi nga ni Phillip Salvador, lahat ng Pinoy na makakapanood nito ay maipagmamalaki ang kahusayan ng kanilang lahi.

 “This is my first villain role in my entire career, at aaminin ko nahirapan akong mag-adjust,” ani Ipe.

Inamin naman ni Iza Calzado na kahit baba­hagya ang kanyang fight scenes ay nahirapan din siya. Pero mas nakalalamang ang feeling ng ex­citement lalo na sa eksena na nakasakay sila ni Bong sa isang dragon na lumilipad.

“Mas na-challenge pa ako sa kissing scene namin ni Bong, nailang dahil nanay ko sa isang soap ang misis niyang si Lani Mercado. Pero nai­sip ko rin na trabaho lang yun. Kaya madali naming nagawa ang eksena, take two lang,” sabi niya

Si Iza si Maria, ang minamahal ni Flavio na ki­nid­nap ni Lizardo na tangkang sirain ang kata­hi­mi­kan at pagkakaisa sa lugar ni Flavio na na­apektuhan ang lahat ng mga nananahan dito.

Kasamang gumaganap ng mahalagang roles sa Ang Panday sina Rhian Ramos, Geoff Eigenman, Buboy Villar, Geoge Estregan, Jr., Gladys Guevarra, Jonee Gamboa, Paulo Ave­lino, Stef Prescott, Carlos Morales, Luz Valdez, Carlene Aguilar at John Lapus.

* * *

Inaamin ng Reyna ng Pelikula na si Susan Roces na nami-miss niya si FPJ lalo kung Pasko. Pero hindi naman ito nangangahulugan na malungkot siya.

 “This is why I make myself busy on Christmas para walang masyadong oras para mag-isip ng mga bagay na malulungkot.

 “I remember a Christmas na salat na salat kami pero, dahil magkakasama kami kaya hindi kami naging malungkot.

 “Sana ibigay din sa bawat isa ang pagkakataong maging masaya ngayong Pasko. At para sa akin naman, sana magkaroon pa ako ng role ng tulad ng Sana Ngayong Pasko. Madali akong naka-relate sa character ni Remedios. Tulad niya, meron din akong nami-miss tuwing Pasko,” sabi nito.

* * *

 Multi-awarded actress Dawn Zulueta, months after giving birth to her second bundle of joy, is back in front of the camera, and will give life to another unforgettable character this evening sa PMPC Best Drama Anthology, Maalaala Mo Kaya.

Last year nang huling mapanood si Dawn sa programa and this is again one of her rare TV appearances. But everytime she breathes new life sa isang papel, siguradong maganda ang kalalabasan.

First time rin siyang ididirihe ni Lino Cayetano, kaya exciting moment ito para sa kanilang dalawa!

ANG PANDAY

BONG REVILLA

BUBOY VILLAR

CARLENE AGUILAR

CARLO CAPARAS

FLAVIO

PASKO

PERO

PHILLIP SALVADOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with