^

PSN Showbiz

Krista gustong kausapin si Jinkee; Bantay sarado ni misis, Pacman 'di makapag-shooting

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

“Natuloy ba ang presscon ni Mat Ranillo?”

’Yan ang tanong ng mga reporter na nagpunta sa presscon kahapon ng Ang Panday, ang pelikula ni Bong Revilla na kasali sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Kumalat kasi noong Miyerkules ang balita na may presscon ang mag-amang Mat at Krista para linawin ang mga isyu tungkol sa pagkakasangkot ng name ng sexy starlet kay Manny Pacquiao.

May nagsasabi na bumalik na ng Pilipinas si Krista pero mas marami ang nagpapatunay na nasa Amerika pa rin siya.

Narinig ko rin ang balita na gusto raw ni Krista na makausap si Jinkee Pacquiao. Type ba naman ni Jinkee na makatsikahan siya?

Nakarating din sa akin ang balita na hindi pa tapos ang Wapakman. Anong petsa na? Aabot pa ba ang pelikula sa deadline ng MMFF?

Ang Wapakman ang filmfest movie ni Manny. Hindi pa raw tapos ang pelikula dahil hindi pa nakukunan ang mga eksena nina Manny at Krista.

Bantay-sarado raw ni Jinkee si Manny kaya hindi ito makapag-shooting. True kaya ito? Malalaman ko ang tumpak na kasagutan dahil magkikita kami ngayon ng isang tao na malapit kay Manny.

* * *

Tumubo na ang buhok ni Phillip Salvador at ito ang na-sight ng mga pumunta sa presscon ng Ang Panday. Nagpakalbo si Ipe para sa kanyang role. Siya si Lizardo, ang kontrabida sa buhay ng Panday na ginagampanan ni Bong.

Nakita ko na ang still pictures ng Panday. Talagang nakakatakot ang itsura ni Ipe dahil sa make-up at prosthetics na inilagay sa kanyang face.

First time ni Ipe na gumanap na kontrabida sa pelikula kaya memorable sa kanya ang karakter na dating binibigyang-buhay ni Max Alvarado.

* * *

Hindi na maabot si Aljur Abrenica. Siya lang naman ang cover boy ng December issue ng dalawang glossy English magazine. Kasali rin siya sa body issue ng Metro magazine.

May hula na lalong bobongga ang career ni Aljur sa 2010. Abangan natin kung magkakatotoo ang hula.

* * *

Proud na proud si Iza Calzado sa katawan ng kanyang boyfriend na si Atticus King.

Makikita rin sa Metro magazine ang hubad na litrato ni Atticus. Seksing- seksi na rin si Iza. Kayo na ang magkaroon ng boyfriend na sexy ang katawan!

ALJUR ABRENICA

ANG PANDAY

ANG WAPAKMAN

ATTICUS KING

BONG REVILLA

IPE

IZA CALZADO

JINKEE

JINKEE PACQUIAO

KRISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with