Governor Vilma magaling nang magsalita
Hindi naman pala pahuhuli si Dingdong Dantes kay Richard Gomez bilang host ng Family Feud. May sarili siyang charm which will endear him sa mga viewers ng popular na game show. Wala siyang nerbiyos at nagawang ma-relax ang kanyang mga contestants. Isa nga sa kanila, hindi makapag-relax dahil nadi-distract sa kanya. Wala tuloy maisagot sa tanong.
Challenge ito kay Dong. Dapat komportable ang mga contestants. They should feel at ease with him. Kung nagagawang tanggalin ng mga halik ni Goma ang nerbiyos ng mga contestants, dapat siya rin.
* * *
Totoo bang nagsisimula nang magkaroon ng pag-aaway sa pagitan ng mga kabataang napili sa batch 5 ng StarStruck? Aba masyado yatang maaga para mag-away-away sila. Makasisira ito sa sinumang ma-involve sa awayan. Itinuturing pa naman silang role models ng mga kabataan ding manonood ng telebisyon.
Hindi kaya scripted ang awayang ito, para bigyang kulay ang programa? Pero in fairness, magaganda ang pitong napiling babae.
* * *
Totoo bang nagkakailangan daw sa kanilang ginagawang movie sina Sam Milby at Anne Curtis? Pero wala naman akong nakitang ganitong uneasiness sa kanilang dalawa nang makita ko sila sa backstage ng Pagcor Grand Theater nung gabi ng TV Star Awards.
Aba kung totoong nagkakailangan sila, ibig sabihin lang may nararamdaman pa sila sa isa’t isa. So what’s preventing them from getting together again?
* * *
Napanood ko si Gov. Vima Santos nung isang gabi na ini-interview ni Tina Palma. Aba ibang-iba na siya, napakahusay na niyang sumagot, isa na siyang kapuri-puring pulitiko. But then, hindi lamang sa kanyang pagsasalita mapupuri si Vilma, kapuri-puri rin ang ginagawa niyang serbisyo sa Batangas. Isa si Vilma sa maituturing na magaling na public servant. Pinapantayan niya ang pagiging Star For All Seasons ng kanyang pagiging working and honest public servant.
Ito ang maganda kay Vilma, nakuha niya ang paggalang ng mga taong nakakasama niya, sa pulitika man o entertainment.
- Latest