Gretchen naging emosyonal sa award na natanggap
Understandable kung naging emosyonal man si Gretchen Barretto sa pagtanggap ng kanyang Best Single Performance By An Actress Award sa katatapos na 23rd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa napakabonggang PAGCOR Theater sa Parañaque.
It was her very first acting award at pawang mabibigat na artista ang nakalaban niya para sa nasabing kategorya. Escorted din siya sa nasabing okasyon ng kanyang matagal nang karelasyon na si Tony Boy Cojuangco na nababalitang nakahiwalay na niya pero ang pangyayaring magkasama sila nung gabing yun seem to dispel all rumors.
Greta could have won, too, in the Star of the Night or Face of the Night derbies pero siguro hindi siya nakita ng mga pumili ng mga mananalo. Tahimik lamang siyang nakaupo at nanonood ng kaganapan katabi ang kanyang “mahal”.
Nanalo si Gretchen sa kanyang role bilang isang makalumang babae na may asawa pero natuto pang umibig sa iba. Kilala namang may pagka-mang-aagaw ng eksena/atensyon si Gretchen pero her role called for subtle acting na naibigay niya ng maganda. PMPC also noted the fact na pumayag siyang ma-deglamorize sa kanyang role.
Napakasaya ni Gretchen para maapektuhan nang pangyayaring she shared the award with another actress, si Sunshine Dizon. Nag-tie kasi sila sa nasabing kategorya.
Inihandog ni Gretchen ang kanyang award sa nag-iisa niyang anak na si Dominique.
* * *
Marami ang nanghinayang na hindi nakuha ni Angelica Panganiban ang titulong Best Comedy Actress para sa panggagaya niya kay Kris Aquino sa Banana Split, ang nanalong Best Comedy Show. They thought katawa-tawa siya sa ginagawa niyang panggagaya sa itinuturing na isa kundi man pinakamagaling na TV host sa bansa. Napanalunan muli ni Rufa Mae Quinto ang titulo para sa Bubble Gang na sa kauna-unahang pagkakataon ay tinalo ng isang baguhang palabas.
Nominee rin si Angelica sa Best Drama Actress na pinanalunan ni Gina Pareño.
* * *
Pinaka-popular na marahil na nominee si Zaijian Jaranilla o mas kilala sa pangalang Santino. Ipinakikita pa lamang ang video niya sa May Bukas Pa ay palakpakan na ang manonood. Mas lalong umugong ang palakpakan nang manalo siyang Best New Male TV Personality at umakyat ng stage para tanggapin ang award niya at magpasalamat.
Popular winner din si Maricar Reyes bilang New Female TV Personality.
* * *
Mga bagong winners sina Drew Arellano, Best Travel Show Host para sa nanalo ring programa niyang Balik Bayan, ang Best Drama Actor na si Coco Martin para sa seryeng Iisa Pa Lamang at si Pooh, Best Comedy Actor para sa Banana Split.
Mga Star Magic naman ang tumanggap ng award ni Johnny Manahan para sa Ading Fernando Lifetime Achievement Award.
Kwela ang ginawang pasasalamant ng grupo ng Eat Bulaga sa pamumuno nina Tito, Vic, & Joey dahil nag-Hall of Fame na ang programa makaraang manalo ng 15 beses bilang Best Variety Show.
Ginawaran naman si Vice President Noli de Castro ng Excellence in Broadcasting na nagbigay inspirasyon sa kanya para balikan ang trabahong iniwan niya. Sinalubong ito ng palakpakan ng mga manonood.
Pinatunayan nina Charice, Arnel Pineda, at Rhap Salazar na world class ang talento nila.
* * *
Inabot ko pa ang coverage ng TV Star Awards sa ABS-CBN 2 kahit lubhang napakalayo ng PAGCOR sa tinitirhan ko sa Novaliches. Itsura ng Walang Tulugan ni Master Showman sa haba ng palabas nito na talagang maipagkakapuri ng PMPC dahil well prepared and well attended ito. Ang dami talagang artista although nakakalungkot na hindi sinipot ang awards night ng mga Kapuso people. Matangi kina Rufa Mae at JC Tiuseco. Yun namang rep ng Eat Bulaga represented TAPE, Inc. and not GMA 7.
Kailan kaya matatapos ang giyera ng dalawang pinakamalalaking network sa bansa? Although the event took place in a neutral ground tulad ng PAGCOR, kahit pa covered ito ng ABS-CBN, puwede naman sanang pinuntahan ito ng mga bossing at artists ng rival network. Tsk. Tsk. Tsk.
- Latest