^

PSN Showbiz

Nanay ni Sunshine Dizon hindi na makabati sa mga tao

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Dumating pala nung Linggo ng umaga ang Un­disputed Jukebox Queen na si Imelda Papin at bukod sa mayroon siyang major concert na dapat gampanan sa kalagitnaan ng buwang ito sa PICC kasama ang international star na si Me­lissa Man­chester, magpa-file rin siya sa araw na ito ng kan­yang Certificate of Candidacy (COC) dahil ta­tak­bo siyang senador sa 2010. Matatan­daan na naging vice governor na si Imelda sa kanyang pro­bin­siya sa Bicol.

Well, good luck sa ’yo Mel at sa iba pa nating ka­sama sa showbiz na lalahok din sa pulitika. Sana mapaligaya rin kayo ng pulitika tulad ng kali­gayahang nadama ninyo bilang artista.

* * *

Siguro kung may dapat pagselosan si Jinkee Pacquiao, bukod sa mga artistang nakasasama at nakakahalubilo ng kanyang kampeong mister, ito ay ang mga babaeng nasa boxing field din.

Pero siguro natuto na ng kanyang leksiyon si Pac­man. Hindi na ito basta-basta paiintriga sa ibang babae dahil bukod sa nakababawas ng ningning sa kanyang korona ay talagangg nakasisira pa ng kanyang pagkatao.

Oo. Tama nga. Maging happy ka na lang Man­ny kay Jinkee na tulad sa sinabi mo sa isang ko­mersyal na walang katulad ang ibinibigay na suporta sa iyo.

* * *

Ang ganda-ganda naman ni Sunshine Dizon. Napagkikita na naman siya sa mga showbiz affairs. Ibig sabihin ba, babalikan na naman niya ang kanyang career?

Ano ba ang estado niya sa Kapuso channel? Has all been well and forgotten?

Sana nga totohanin na ngayon ni Sunshine. Hin­di naman puwedeng aalis ka kung kailan mo gus­to at pagkatapos ay magpa­pasya kang bu­malik. Pangalawang pagkakataon na ito, sayang kung hindi mo pa paghuhusayin ang sarili mo. Ang ganda mo nga at ang galing-galing pero hindi lang ito ang mahalaga sa isang artista, kailangan din ng tamang attitude.

Kung totoong nagbabalik ka, then welcome back. Kapag nag-inarte ka pang muli, baka wala ka nang mabalikan pa.

* * *

Bakit daw hindi naman nakasulat ang pangalan ni Sunshine Dizon sa papel na binasa ni Ales­san­dra de Rossi para sa Face of the Night ay tinawag na nito agad ang kontrobersiyal na aktres? Buti na lang at taped ang 23rd Star Awards for Television kundi nagkaroon sana ng malaking kapalpakan. Pero dahil nga taped ang presentasyon, naayos ang pag­ka­kamali at walang napansin nang ipalabas ito sa TV at tinawag sina Sunshine at John Lloyd Cruz bilang mga winners ng Face of the Night.

May nagtanong din sa akin kung bakit halos hin­di makabati ang ina ni Sunshine na si Dorothy Laforteza sa mga press na namamahala sa recep­tion desk sa lobby ng theater.

Dinaanan nila ang mga ito nang papalabas na sila ng theater. Dati kasing Darling of the Press ang ina ni Sunshine. Awardee pa naman sa Best Single Performance By An Actress (ka-tie si Gretchen Barretto) si Sunshine.

vuukle comment

BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS

CERTIFICATE OF CANDIDACY

DARLING OF THE PRESS

DOROTHY LAFORTEZA

FACE OF THE NIGHT

GRETCHEN BARRETTO

IMELDA PAPIN

SHY

SUNSHINE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with