QTV 11 at TV 5 nakikipag-agawan na sa mga awards!
Ipinakilala kagabi sa entertainment press ang Final 14 ng StarStruck V. Ako na mismo ang nagsasabi na may mga karapatan na maging artista ang 14 hopefuls. Bakit? Dahil isa ako sa mga pumili sa kanila ’no!
Abangan na lang natin kung sino sa labing-apat na bagets ang tatanghalin na Ultimate Survivor!
* * *
Nag-file na kahapon si Papa Joseph “Erap” Estrada ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo ng ating bayang magiliw. Nag-file na rin ng kandidatura ang kanyang running mate, si Makati City Mayor Jejomar Binay.
Isa lamang si Papa Erap sa mga showbiz personalities na nag-file ng candidacy. Kakandidato na senador si Anthony Castelo pero wala itong partido. Si Anthony ang singer na nagpasikat sa mga kanta na Balatkayo at Hahanapin Ko.
Sinabi ng aking ever reliable source na ngayon ang filing ng candidacy ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Tatakbo siya na kongresista at siya ang papalit sa kanyang anak na si Rep. Mikey Arroyo na piniling maging private citizen uli.
Matagal nang haka-haka ang pagtakbo ni Mama Glo bilang kongresista at ngayon, hindi na ito basta haka-haka dahil may katotohanan ang mga kumalat na tsismis. Ang saya-saya na naman ng mundo ng pulitika!
* * *
Hindi ko pinagtiyagaan na hintayin ang delayed telecast ng 23rd Star Awards for Television dahil late na late na ito nang mag-umpisa.
Nabalitaan ko na lang kahapon ang mga nag-win at isang bagay ang napansin ko, nakikipag-agawan sa awards ang mga programa ng QTV 11. Nire-recognize na rin ang mga shows ng QTV 11 at TV 5. Malinaw na senyales ito na patindi nang patindi ang competition ng mga TV stations, lalo na ngayon na si Papa Manny Pangilinan na ang bagong bossing ng TV5.
May tumawag na sa akin sa telepono at nag-inquire tungkol sa aking mga alaga. Siyempre, secret muna ang aming mga napag-usapan pero talagang full blast na ang operation ng TV5 sa susunod na taon.
* * *
Nagpunta ako kahapon sa Makati City at ikinatuwa ko ng husto ang maluwag na trapik dahil sa holiday.
Ang bilis-bilis ko na nakarating sa Makati City. Wala pa yatang 20 minutes ang biyahe ko mula sa Quezon City hanggang sa shop ni Gigi Asok sa Makati Avenue.
Si Gigi ang dating executive assistant ni Kris Aquino noong dalaga pa ito. Richie-rich na ngayon si Gigi dahil siya ang may-ari ng Bagaholic, ang tindahan ng mga sosyal na bag gaya ng Louis Vuitton, Chanel, Prada, Gucci, at Goyard.
Nabibili sa Bagaholic ang mga second hand pero original at branded bags. Puwedeng isangla sa tindahan ni Gigi ang mga Chanel, Louis Vuitton, etc. Maraming kostumer na artista si Gigi pero hiindi puwedeng i-reveal ang kanilang mga names ’no!
May dalawang branches ang Bagaholic, isa sa New World Hotel at sa Virra Mall Greenhills. Ilang beses nang na-feature sa mga TV shows at newspapers ang mga shops ni Gigi. Kung gusto ninyo na ibenta, isangla, o i-trade in ang inyong mga sosyal na bag, call n’yo lang siya sa 0917-8141967.
- Latest