Mga pulitiko kinatatakutan sa Kaya Natin...
MANILA, Philippines - Pinatunayan ng proyektong Kaya Natin Ito! na kapag dumating ang pangangailangan ay nakahandang magbuklod ng mga OPM (Original Pilipino Music) artists para tumulong sa mga kababayan natin.
Ang resulta ay isang kanta na isinulat ni Ogie Alcasid na tinampukan ng mahigit 80 OPM singers na siya ring magiging inspirasyon para sa isang major concert na Pilipino : Kaya Natin Ito sa Mall Of Asia sa December 5, 2009.
Ang makokolektang funds at donation mula sa proyektong ito ay mapupunta sa Gawad Kalinga community rehabilitation program na nasalanta ng mga nakaraang kalamidad.
Labas na rin ang Kaya Natin Ito CD matapos ang launching ang music video na idinerehe ni Dante Nico Garcia sa ASAP at SOP last Nov. 22.
Mabibili na rin ang tickets para sa nasabing concert – all star OPM concerts sa direksiyon ni Rowell Santiago, writer Noel Ferrer at musical director Marc Lopez.
Ito ay pinamamahalaan ng project head at over-all in charge na music industry leader na si Ogie Alcasid sa pakikipagtulungan ng maraming Kapuso, Kapamilya at kaibigang artists.
Kumpiramdong sasali sa nasabing concert sina Agot Isidro, Amber Davis, Billy Crawfod, Candy Pangilinan, Denise Laurel, Dingdong Avanzado, DJ Myke, Donita Rose, Gabriel Valenciano, Gary Valenciano, Geneva Cruz, Gian Magdangal, Jamie Rivera, Jaya, Jay-R, Jericho Rosales, Jessa Zaragoza, Jolina Magdanganl, Karylle, KC Concepcion, Kuh Ledesma, Kyla, Nanette Inventor, Ogie Alcasid Paolo Santos, Paolo Valenciano & Salamin and Martin Nievera.
Kasama naman sa mga banda ang Angulo, Brigada, D-Coy and Beatmatix, December Avenue, Dice & K9, Duster, Faspitch Out of Body, The Ambasadors, Wagyu at sa post-show 6Cyclemind, ChicoSci, Imago, Kenyo, Kjwan, Rico Blanco, Silent Sanctuary, Taken by Cars, The Dawn, True Faith.
Hindi pa sure kung makaka-join ang Kamikazee, Parokya ni Edgar at Spongecola.
Pero maraming nagwi-wish na sana raw ay hindi sakyan ng pulitiko ang concert na ito para hindi mahaluan ng kulay pulitika.
- Latest