^

PSN Showbiz

Makakatrabaho nila Sam at Anne namomroblema

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Yung lagay na yun eh nangangarap pa palang magdagdag ng anak si Sharon Cuneta. Balak niyang mag-ampon ng bata at gusto niya, lalaki. Ang ideya na ito ay naisip niya nang makasama ang napakaraming Chinese children habang nagso-shooting sila sa China.

Pinoy na bata ang gusto niya para raw maka­tulong kahit papaano na mabigyan ng tahanan at pamilya ang isang batang nangangailangan.

Mabuhay ka Sharon. Wala namang diprensiya kung ampon man o hindi ang isang bata. Kapag nakasama mo ito ng matagal, mamahalin mo na siya ng parang tunay mong anak.

* * *

Aba, parang nata-typecast na si Cristine Reyes sa role ng aswang. Ito ang naging role niya sa pelikulang pinagsamahan nila ni Richard Gutierrez at ito rin ang role niya sa pang-MMFF ni Vic Sotto. Kaya lamang comedy ito kumpara sa movie na pinagsamahan nila at pinrodyus din ni Richard sa direksiyon ng Pinoy Hollywood director na si Yam Laranas.

Pero hindi nag-aalala ang magandang aktres dahil with Vic as her leading man, nakasisiguro na siya ng isang blockbuster movie.

* * *

Sapat na ba yung paghingi ng dispensa ni Manny Pacquiao sa pamilya ni Krista Ranillo para mapawi ang pagdududa ng marami na may­roon silang relasyon?

Pero ano pa nga ba ang puwedeng gawin ni Manny? Bunga ang lahat ng ito ng pagsasama nila ng nakakabatang aktres sa isang pelikula. Itanggi rin ito ni Krista sa kanyang pagbabalik eh may maniniwala ba?

Yun ang malungkot na parte, kondenado na si Krista. It will surely be a big help sa movie nila ni Manny pero bumaba na ang tingin sa kanya ng lahat. 

* * *

Hindi kaya naghiwalay ng maayos sila Sam Milby at Anne Curtis? Balitang nagde-ded­mahan sila kapag nagkikita. Namomroblema tuloy ang mga makakasama nila sa kanilang gagawing movie dahil baka maging magulo ang pagtatrabaho nila.

Eh kasasabi lang ni Anne na ok na sila ah.

Ano ba talaga?

ANNE CURTIS

CRISTINE REYES

KRISTA

KRISTA RANILLO

PERO

PINOY HOLLYWOOD

RICHARD GUTIERREZ

SAM MILBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with