^

PSN Showbiz

Mukha ni Isabel May nabago

- Veronica R. Samio -

Kung kailan siya walang boyfriend ay saka naman parang bulaklak na in bloom si Isabel Oli. Marami tuloy ang nagtatanong kung mayroon ba siyang ipinabago sa kanyang mukha.

“Naku, wala! Nag-stop lang akong pumunta ng beach. Dati kasi palagi akong nasa beach. Kaya umitim ako.

 “Bago rin ang hair ko, ipina-dye ko, nilagyan ng extension for my role in Full House. I play the role of Elaine, Lorraine in the original Koreanovela, a rich stylist na sikretong minamahal ni Justin (Richard Gutierrez), isang sikat na artista.”

Ang Full House ang pinakabagong teleserye ng GMA 7, remake ng isang popular na Ko­reanovela.

Hindi hadlang kay Isabel ang kanyang pagiging loveless para siya hindi mag-enjoy. Nakikipag-date naman siya pero hindi exclusively sa isang non-showbiz.

“Sobrang happy ako sa buhay ko ngayon at hini­hintay ko na lamang kung sino ang ibibigay sa akin ng Diyos. Pero habang wala pa siya, I enjoy my life.

“Hindi magiging malamig at malungkot ang Christ­mas ko, I’ll be spending it with my family in Sin­gapore. Hindi kasing saya ang celebration ng Pasko sa Singapore pero, I’ll be with my loved ones. Before, sila ang pumupunta rito pero this time, we’ve decided na dun naman kami sa Singapore.

“Kontrabida ako ni Heart sa Full House pero, hindi ako salbaheng kontrabida. Yung role ko sa original series ay napaka-tahimik pero sa local version, ginawang lively ang character niya.

“Fashionable si Elaine. I will have to wear designers’ clothes. Production will provide me with the clothes but I will have to get my own accessories and shoes,” sabi niya.

Ang character ni Richard ang may gusto kay Isabel sa Full House pero, kay Patrick Garcia siya may gusto.

 “Patrick and I have become close, siguro dahil kami ang madalas mag­kasama sa eksena. Pero hu­wag ka­yong mag-iisip na baka magkade­be­lopan kami. Malabong mangyari ito,” dagdag pa niya.

* * *

Istorya pala ng nanay ni Senador Manny Villar ang pinalalabas sa Maalaala Mo Kaya. Dalawang parts ito na ang una ay ipinalabas na nung Sabado, Nob. 21 at ang part 2 ay mapapanood naman bukas, Nob. 28.

Tuwang-tuwa naman ang ina ng senador na tina­tawag na Nanay Curing na si Gina Pareño ang gu­ma­ganap ng kanyang role sa TV bagaman at may dalawa pang aktres ang gumanap nung siya ay bata pa at nang magdalaga sina Empress Schuck at Chinchin Gutierrez na.

Kahit bulag na si Nanay Curing dahil sa katandaan at napapakinggan na lamang ang kanyang istorya, masaya ito dahil alam niyang kapupulutan ng aral at inspiras­yon ng mga manonood ang istorya ng kan­yang buhay.

Si Nanay Curing ay ipina­nganak sa Orani, Bataan. Ang kanyang amang si Nicolas ay isang mangingisda at nagtra­baho bilang karpin­tero nang mapadpad sa Maynila. Ang ina niyang si Matea ay isang mo­dista at ang kanyang asa­wang si Ma­ning (na ginampanan nina Matt Evans, Carlos Morales, at Jaime Fab­regas) ay namatay noong 1983.

* * *

Aba, nakatsamba yata ang GMA kay Claudine Barretto. Meron na silang karagdagang pangalan sa napakaikling listahan nila ng aktres. Kaya la­mang, mahihirapan silang i-cast ito dahil sa ibang liga nabi­bilang si Claudine at sa pagkawala ni Ara Mina dahil sasabak ito sa pulitika, mahihirapan silang hanapan ng strong support ang bagong Ka­puso star. Ngayon pa lamang ay kailangang mag­simula na silang humanap ng mga maka­ka­sama nito, sa pelikula man o sa telebisyon.

ARA MINA

CARLOS MORALES

CHINCHIN GUTIERREZ

CLAUDINE BARRETTO

EMPRESS SCHUCK

FULL HOUSE

GINA PARE

ISABEL OLI

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with